15 Famous and most followed Pinoy celeb trios sa Philippine entertainment
Sa nakalipas na panahon sa showbiz, marami na rin ang nabuo at sumikat na mga grupo ng mga Pinoy celebs sa aktingan, kantahan, hosting, at sayawan.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Muling babalikan at sisilipin ng KAMI ang 15 sa kanila na tumatak at sumikat ng husto sa showbiz.
1. Tito, Vic, and Joey - TVJ
Unang-una na maiisip at magiging bukang-bibig ng mga Pinoy na sikat na trio ay ang TVJ na binubuo nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon.
Ayon pa sa kwento ni Tito Sotto sa PEP noon, 1972 pa raw nagsimula ang kanilang grupo at hanggang ngayon ay kilalang kilala pa rin sila ng tao at tinatangkilik dahil na rin sa Eat Bulaga.
2. APO Hiking Society
Isa namang haligi sa musikang Pilipino ay ang APO Hiking Society na kinabibilangan nina Danny Javier, Jim Paredes at Buboy Garrovillo.
3. Sharon Cuneta, Cherie Gil, and Dina Bonnevie
Pinag-usapan rin ang tambalan ng tatlong batikan at sikat na mga artista sa pinilakang tabing na sina Sharon Cuneta, Cherie Gil, at Dina Bonnevie sa 1986 film na 'Sana'y Wala Nang Wakas.'
Napa-throwback bigla si Cherie Gil sa kanyang Instagram ng picture nilang tatlo.
4. The Triplet
Sumikat din ng husto ang Triplets o The Triplet na binubuo nina Manilyn Reynes, Sheryl Cruz, at Tina Paner na nabuo sa That's Entertainment.
After 30 years, ay nagkasama silang muli sa Meant To Be ng Kapuso Primetime Series noong 2016.
4. F! hosts
Tatlo sa pinakapaborito na lifestyle magazine TV hosts ay sina Anqel Aquino, Daphne Oseña, at Cher Calvin.
5. DoReMi
Minahal at tinangkilik rin ang DoReMi film ng Viva Films noong 1996 na pinagbidahan nina Donna Cruz (Do), Regine Velasquez (Re), at Mikee Cojuangco (Mi).
6. Aiko Melendez, Carmina Villaroel, at Ruffa Gutierrez
Sina Aiko Melendez, Carmina Villaroel, at Ruffa Gutierrez naman ay nakilala sa kanilang 'Underage' film noong '90s.
Sila ang mga newest breed of Regal babies noong time na iyon, ani pa sa naunang balita ng entertainment.inquirer.net.
7. Wazzup Wazzup
Bumida rin sa Studio 23 ang comedic-news program na pinangungunahan nina Vhong Navarro, Drew Arellano at Toni Gonzaga.
8. Gwapings
Sa mga teens noong 90s ay tumatak naman ang grupo nina Jomari Yllana, Mark Anthony Fernandez, at Eric Fructuoso bilang ang 'Gwapings.'
9. Anna Karenina
Tumatak rin ang Anna Karenina na pinagbibidahan nina Antoinette Taus, Kim delos Santos, at Sunshine Dizon noong 1996 hanggang 2002.
10. Whattamen
Minahal rin sina Marvin Agustin, Dominic Ochoa, at ang yumaong Rico Yan noong 2001 hanggang 2004 sa Whattamen weekly sitcom ng ABS-CBN.
11. JoWaPao
Hindi rin maitatanggi ang kasikatan at pagtakilik ng taong bayan sa JoWaPao ng 'Kalyeserye' at 'Juan For All, All For Juan' ng Eat Bulaga.
Binubuo ang comedic trio nina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros.
12. Kuya's Angels
Nang lalong sumikat ang Bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother ay lalo ring napamahal at tinangkilik sina Mariel Rodriguez, Bianca Gonzalez, at Toni Gonzaga bilang ang Kuya's Angels.
13. TNT Boys
Umaarangkada naman ang talento sa pagkanta ng TNT Boys na unang nakilala sa Tawag Ng Tanghalan Kids sa It's Showtime.
Ngayon, hindi na maaawat ang kanilang kasikatan sa international scene.
14. AngBeKi
Hindi man sila sumikat dahil sa isang proyekto, ang 'AngBeKi' group ay nakilala at tinangkilik dahil sa kanilang magandang friendship.
15. D-Lite
Inaabangan naman ang mga beautiful, eloquent, talented, at stylish trio, ang mga "delightful divas," ng ASAP na sina Karylle, Nikki Gil, at Toni Gonzaga, na mas kilala sa tawag na D-Lite.
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
On another note, our team has explored the streets, once again, to challenge 'LizQuen Fans.'
Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel
Source: KAMI.com.gh