Tatay, pinatay ang buntis na asawa at 2 anak para makasama ang kabit

Tatay, pinatay ang buntis na asawa at 2 anak para makasama ang kabit

- Si Chris Watts ng Colorado, USA ay habang buhay ikukulong dahil sa kanyang krimen na ginawa

- Pinaslang niya ang kanyang buntis na asawa at ang maliliit nilang mga anak

- Ginawa niya ito matapos maging kabit ang kanyang katrabaho

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang lalake sa Colorado, USA ang naging laman ng headlines dahil sa malagim na krimen na ginawa niya sa sarili niyang pamilya.

Nalaman ng KAMI na pinaslang ni Chris Watts ang buntis niyang asawa na si Shannan Watts at ang dalawa nilang anak na babae na sila Bella, 4, at Celeste, 3.

Ayon sa report ng This is Insider at Inside Edition, pinatay ng lalake ang kanyang pamilya matapos nitong magkaroon ng kabit na nagngangalang Nichol Kessinger, na katrabaho niya.

Sinabi ni Kessinger na nagsinungaling sa kanya si Watts dahil ang sabi nito ay hiwalay na sila ni Shannan.

Pagkatapos patayin ang kanyang pamilya, itinago ni Watts ang mga bangkay ng bata sa oil tanks habang ang bangkay naman ng asawa ay ibinaon niya sa lupa malapit sa mga tangke.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Maraming social media photos at videos ang pamilya na tila baga masaya ang kanilang pamilya kaya naman gulat na gulat ang netizens sa nangyaring ito.

Dahil sa mga CCTV footages at lie-detector test, napilitang umamin si Watts sa krimen kaya nasintensyahan siya ng habang-buhay na pagkakakulong.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our HumanMeter team attended a special screening of Liza Soberano and Enrique Gil's new movie "Alone /Together"! There, we were able to conduct a super edition of tricky questions. The people's responses were super hilarious as well – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Huthuterong kabit ni misis, naduwag, nagtago sa bahay nang sugurin ni mister para kunin ang asawa

Huthuterong kabit ni misis, di hinarap si mister nang kunin niya ang asawa

Huthuterong kabit ni misis, naduwag, nagtago sa bahay nang sugurin ni mister para kunin ang asawa
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel