20-anyos, patay ilang oras pagkatapos kumain ng tirang spaghetti

20-anyos, patay ilang oras pagkatapos kumain ng tirang spaghetti

-Nasawi ang isang 20-anyos na estudyante mula sa Belgium ilang oras matapos itong kumain ng spaghetti

-Napag-alamang ang pasta pala na kinain nito ay limang araw na mula nang iluto

-Nakaramdam ng pagsama ng pakiramdam ang estudyante at inakalang na-food poison lamang siya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi na nagising pa ang isang 20 taong gulang na estudyanteng lalaki sa kanyang pagtulog matapos itong magkaroon ng tinatawag na “fried rice syndrome”.

Ayon sa report ng Little Things, kumain ng spaghetti ang lalaki nang makauwi ito mula sa paaralan.

Ininit nito sa microwave oven ang pasta na napag-alamang limang araw na palang naroon lang sa kanilang kitchen counter na mayroong room temperature.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Pagkatapos nito ay lumabas ang lalaking kinilalang si "AJ" at naglaro ng sports.

Umuwi umano si AJ na masama ang pakiramdam at may matinding pananakit ng ulo.

Sumuka ng sumuka rin daw si AJ. Sa pag-aakalang na-food poison lamang siya ay itinulog na lamang ito ng binata.

Ngunit kinabukasan, nadiskubre na lamang ng kanyang mga magulang ang walang buhay na si AJ sa kanyang kwarto.

Sa lumabas na autopsy, napag-alaman ang dahilan ng kanyang liver failure.

20-anyos, patay ilang oras pagkatapos kumain ng tirang spaghetti
Photo source: Getty Images / Photo for illustration only
Source: Getty Images

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky questions at the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Let us see if these guys know what a male cow is called! Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone