Sanggol, puno ng sugat at nilalanggam sa damuhan, natagpuang buhay

Sanggol, puno ng sugat at nilalanggam sa damuhan, natagpuang buhay

- Isang bagong silang na sanggol ang natagpuan sa damuhan sa Pangasinan

- Hindi naputol nang maayos ang pusod nito, nilalanggam at maraming sugat

- Ang kanyang menor de edad na ina ay biktima raw ng panggagahasa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang bagong silang na sanggol na nilalanggam at may mga dugo pa ang natagpuan sa damuhan ng Agno, Pangasinan.

Nalaman ng KAMI na hindi nga raw naputol nang mabuti ang umbilical cord ng baby.

Napagtanto rin ng mga awtoridad na biktima umano ng panghahalay ang 15-anyos na ina ng nasabing sanggol.

Ayon sa report ng GMA, may ilang oras na raw na ang baby ay nasa damuhan bago natagpuan ng kagawad sa barangay.

Binalot naman ng kagawad ang baby at pinaalam ang nangyari sa mga awtoridad.

Napag-alamang umuwi daw ang ina na menor de edad sa kanilang bahay na duguan, at dito na lang nalaman ng mga magulang ang nangyari sa anak dahil itinago raw niya sa kanila ang kanyang pagbubuntis.

Nasa mabuting kalagayan na ang mag-ina ngayon at sasailalim ang ina sa counseling.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hindi ito ang unang pagkakataon na may natagpuang sanggol na iniiwan ng ina.

Sa isang ulat ng KAMI, may sanggol ding natagpuan sa loob ng plastic at nilagay sa backpack, pero buhay din.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky questions: testing boys and girls of the Philippines for knowing some historical information. Who is smarter: boys or girls? Find out in the video!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Stacy dela Fuente avatar

Stacy dela Fuente (Editor)

Hot: