Ilang pamilya, nabubuhay lamang sa tira-tirang pagkain mula sa McDonalds

Ilang pamilya, nabubuhay lamang sa tira-tirang pagkain mula sa McDonalds

-Sa pamamagitan ng isang documentary, mamumulat ang ilan tungkol sa buhay ng ilan nating kababayan na nabubuhay sa "pagpag"

-Tampok rito ang ilang pamilyang itinataguyod ang pamilya sa pamamagitan ng mga tirang pagkain mula sa McDonalds

-At kahit pa alam nilang hindi ito malinis, marami sa kanila ang hindi na ito iniintindi pa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa pamamagitan ng isang documentary ng Verse, naitampok ang buhay ng ilan sa ating kababayan na nabubuhay sa pamamagitan ng "pagpag".

Ibig sabihin nito ay mula sa mga tira-tirang pagkain, ipapagpag o lilinisin para i-recycle at lutuin muli para kainin.

Dito makikilala sina Marjorie Atip na mayroong limang anak at si Tasyana Jorado, 55-anyos.

Ang bumubuhay sa kanila, ang mga tira-tirang pagkain mula sa fastfood chain na McDonalds.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Mga pagkaing itinapon na ng ibang tao, pipilian muli nila, huhugasan at tsaka iluluto muli.

Kahit pa nga alam nilang hindi ito malinis at kinuha na lamang nila mula sa basurahan, hindi na nila ito alintana pa dahil mas matindi ang kalam ng sikmura.

Sabi ni Marjorie, ito lamang ang kanyang paraan para patuloy na maitaguyod ang pag-aaral ng kanyang mga anak.

Habang si Tasyana naman ay wala nang pag-asa pang mabago ang kanilang buhay at ang importante na lamang ay ang malamnan ang kanilang kumakalam na sikmura.

Narito ang buong report. Babala, maselan ang inyong mapapanood.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky questions at the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Let us see if these guys know what a male cow is called! Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone

Hot: