Babae, may limang anak na iba-iba ang lahi
-Unang naitampok ang kanyang istorya sa programang Wowowin at doon pa lang marami na ang naging interesado sa kanyang buhay
-Tampulan daw ng tsismis ang buhay ng pole dancer na si Hannah dahil sa hindi pangkaraniwang sitwasyon ng kanilang pamilya
-Ngunit kahit na hirap sa pagpapalaki sa mga anak, pilit niyang itinataguyod ang mga anak bilang single mom
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Sa programang Wowowin unang naitampok ang istorya ng pole dancer na si Hannah Cariño kung saan marami na agad naging interesado sa kanyang istorya.
Si Hannah kasi, napag-alamang mayroong limang anak na iba-iba ang lahi. Korean, Canadian, Indian, British at Pilipino.
Samantala, naibahagi naman ang kanyang buong istorya sa Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS) kung saan nilinaw niya ang dahilan ng pagkakaroon ng anak sa iba't-ibang lalaki.
Una umano nitong nakilala ang isang Koreano sa bar na kanyang pinagta-trabahuhan at 'di niya daw inaasahan na magugustuhan siya nito.
Ngunit nang magbunga daw ang kanilang relasyon ay nagalit daw ito sa kanya at bigla na lamang nawala.
Dahil daw sa hirap ng buhay at hindi pa handa sa responsibilidad, nagawa niyang ipa-ampon sa kanyang tiyuhin ang kanyang anak.
Pagkatapos ay bumalik siya sa bar na pinagta-trabahuhan kung saan nakilala naman niya ang ikalawang lalaking magbibigay muli sa kanya ng isa pang supling.
Isang Canadian ito ngunit dahil sa mabilisan lamang ang kanilang naging pagsasama ay hindi na niya maalala pa ang pangalan nito.
Nang malaman ng ina ni Hannah ito ay nagprisinta na itong mag-alaga sa kanyang ikalawang anak.
Pagkapanganak, muli siyan bumalik sa bar na pinagta-trabahuhan ngunit sa kanyang pagbabalik ay may bagong nauso doon, ang pole dancing.
Kahit na nahirapan siya bago natutunan ito ay pinagsumikapan niya ito.
Nalipat naman si Hannah ng pinagta-trabahuhan mula sa Maynila ay napunta naman siya sa isang bar sa Makati.
Dito, nakilala niya ang isang Indian. Inakala daw niya na ito na ang lalaking para sa kanya dahil tanggap nito ang kanyang anak.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Ngunit nang mabuntis naman siya nito ay tila hindi nito ito matanggap at umalis na.
Ipinangako daw niya sa sarili na hindi na muli pang iibig ngunit pagbalik niya sa club nahulog naman ang loob niya sa nisang British.
Maayos naman daw ang kanilang pagsasama ngunit dahil sa mga taong nakapaligid dito ay naapektuhan ang kanilang relasyon at pagkapanganak ay nawala nrin daw ito.
Pero kahit na ipinangako na ni Hannah na huli na ito, muli na naman siyang umibig at sa pagkakataong ito sa isang Pilipino naman na isang pulis.
Dahil dito, naging tampulan siya ng tsismis ngunit hindi na ito iniintindi pa ni Hannah at sinisikap na lamang na maging mabuting ina para sa mga anak.
At sa tulong ng KMJS, nagkaroon siya ng pagkakataon na makilala ang panganay na anak na ipina-ampon niya noon.
Ayon kay Hannah, simula nang isilang niya ito ay hindi niya ito nasilayan. Kaya naman labis ang naramdamang tuwa ng mag-ina nang magkayakap at magkakilala sila.
POPULAR: Read more viral stories here
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Tricky questions at the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Let us see if these guys know what a male cow is called! Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!
Source: KAMI.com.gh