8-anyos na bata, nagka-STD matapos halayin; tinuro ang ama bilang suspek
- Isang tatay ang lumapit sa Bitag dahil siya ang main suspek sa panghahalay sa anak niya
- Ang mismong biktima pati ang mga kamag-anak nito ang nagsasabing ang tatay ang gumawa ng krimen
- Ayon naman sa medicolegal, nagkaroon din ng STD ang bata
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Isang ama na nagngangalang Artulfo ang pumunta kay Ben Tulfo at sa programa niyang Bitag upang humingi ng tulong.
Nalaman ng KAMI mula sa programa na main suspect pala si Artulfo ng panghahalay sa kanyang 8-anyos na anak na babae.
Ayon sa ama, siya raw ang tinuturo ng bata pati ng mga tiyuhin at tiyahin nito na gumawa ng krimen.
Base naman sa medicolegal, kumpirmado na hinalay nga ang bata at na-infect pa ito ng STD.
Todo tanggi naman si Artulfo sa alegasyon laban sa kaniya at nag-volunteer pa sa lie detector test ng NBI.
Hindi pa inilabas ng Bitag ang resulta ng lie detector test dahil kailangan pang sumailalim sa drug test ng suspek ngunit nalaman ng programa na nagsinungaling ito ukol sa kung kailan siya huling gumamit ng illegal na droga.
Narito ang YouTube video ng Bitag episode:
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Matindi ang mga reaksyon ng netizens ukol sa istorya ng kawawang bata:
“Alam mo yan sa sarili mo kung ginawa mo talaga.”
“Like nio if gusto nio bumlik death penalty??”
“Ang isang dahilan kung bkit ako pabor sa BITAY!!!para mapuksa n ang mga MANYAK sa lipunan”
“Death penalty sa mga animal na”
“Dapat sa manyak maparasuhan tulad dito sa middle east.”
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
All of our actions have consequences. Find out what a father taught his son in this video regarding the reality of life. Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!
Source: KAMI.com.gh