Ex-boyfriend actor ni Dawn Zulueta, ibinunyag na sya raw ang nagpakilala kina Dawn at Anton

Ex-boyfriend actor ni Dawn Zulueta, ibinunyag na sya raw ang nagpakilala kina Dawn at Anton

- Isiniwalat ng ex-boyfriend ni Dawn Zulueta na isang actor-politician na sya raw ang naging tulay kina Dawn at Anton Lagdameo

- Sa panayam sa kanya ng entertainment press ay sinabi nya na siya ang nagpakilala sa dalawa na ngayon ay 21 years ng mag-asawa

- Una ng ibinahagi nito sa isang interview na una niyang nakilala si Anton kaysa kay Dawn

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Napag-alaman ng KAMI na ang dating boyfriend pala ni Dawn Zulueta, na isa ring aktor at politician na rin ngayon, ang nagpakilala sa kanila ni Anton Lagdameo.

Ito ang pagsambulat niya sa panayam sa kanya ng Philippine Entertainment Press (PEP).

Ang nasabing ex ni Dawn Zulueta ay si Congressman Monsour Del Rosario na tumatakbo ngayon bilang Vice-Mayor ng Makati.

Makakalaban daw ni Monsour ay ang incumbent Vice-Mayor ng Makati na si Monique Lagdameo na first cousin umano ni Anton Lagdameo, na mister ni Dawn, na ex naman niya.

Kaya tinanong daw siya ng source media outlet kung ano ang pakiramdam niya tungkol dito.

Sagot naman umano ni Monsour:

"Okay lang!"

At dito niya na ibinulgar ang pagiging bridge raw niya noon sa ex na si Dawn at sa mister nito na si Anton.

Pagsiwalat pa niya:

"Kasi si Anton tsaka si Dawn wala namang problema kasi ako naman ang nagpakilala sa kanila, e! Si Anton, grade seven pa lang kilala ko na. Fourth year high school ako, 'tapos nag-aral sa Amerika yan. Tapos, pag-uwi niya, sabi niya, ‘Kuya Mon, yung ex-girlfriend mo, puwede kong ligawan?’"

Una ng ibinahagi ni Monsour sa interview sa push.com.ph na friends naman daw niya ang mga nagagandahang ex-girlfriends na sina Agot Isidro at Dawn Zulueta.

POPULAR: Read more news about Dawn Zulueta here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, our team has explored the streets, once again, to make our fellow Pinoys 'Guess The Celebrity By A Clue.’

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Gurong binibigay ang 80% ng sahod sa mahihirap, nanalo ng $1 million

Gurong binibigay ang 80% ng sahod sa mahihirap, nanalo ng nasa ₱52 million

Gurong binibigay ang 80% ng sahod sa mahihirap, nanalo ng nasa ₱52 million
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel