Nagpanggap na baliw, umaming nangunguha di umano ng mga bata sa Maynila

Nagpanggap na baliw, umaming nangunguha di umano ng mga bata sa Maynila

- Viral na ngayon ang video ng babaeng nagpapanggap daw na wala sa sarili at nahuli na nangunguha ng bata

- Di man naging klaro ang motibo ng kidnapping ngunit inamin nito kung saan dinadala ang mga naisasamang bata

- Maging babala ito sa mga magulang na huwag pabayaan ang mga anak at huwag hayaang mag-isa lalo na kung lalabas ng bahay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang babae ang natiklo sa pag-kidnap ng mga batang kinakausap lang niya at naisasama na.

Sa viral video na binahagi ng netizen na si Rosalyn Labasa, makikita ang isang babaeng nakaposas na pinagtutulungang tanungin ng mga nakahuli sa kanyang modus.

Sa caption ng naturang post, nalaman ng KAMI na napapanggap di umanong wala sa katinuan ang babae.

Ayon sa babae, inaaya lamang niya ang batang nakakausap na gumala. Doon, nakukuha na niya itong sumama sa kanya.

Nang tanungin kung ano ang ginagawa sa mga bata, dinadala lamang daw nila ito sa "bahay."

Katunayan, mayroon pa raw dalawang bata pang tinatago sa bahay na pinagdadalhan nila.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nasabi rin ng babae na sa Sta. Mesa niya dinadala ang mga bata malapit sa Sta. Ana hospital.

Dalawa raw silang nag-iikot at nangangalap ng batang kanilang bibiktimahin. Mapapansing ang isa sa mga taong nagtatanong ay mismong magulang o tagapag-alaga ng batang nabiktima ng babae.

Bago matapos ang video, humingi pa ng dispensa ang babae ngunit tila di pa rin palalampasin ang nagawa nito.

Dahil sa pangyayaring ito, pinaalalahanan ang mga magulang na huwag pabayaang mag-isa ang mga anak lalo na sa lansangan. Mainam nang mag-ingat lalo na at may mga ganitong modus na patuloy paring kumakalat lalo na sa kalakhang Maynila.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions In Polytechnic University | HumanMeter

Tricky questions in the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Click play and see who among these students got the correct answers to these tricky questions

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica