Magnitude 5.9 na lindol, ramdam sa Cebu at iba pang bahagi ng Visayas
- Ginulat ng magnitude 5.9 na lindol ang mga taga-Cebu at iba pang bahagi ng Visayas bandang 7:55 ngayong gabi
- Ang epicenter nito ay tinatayang 28 kilometro mula sa General Luna, Surigao del Norte
- Malakas ang pag-uga na maari raw ikahulog ng mga nakasabit na bagay
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Magnitude 5.9 na lindol ang yumanig sa Cebu at iba pang bahagi ng Visayas. Ayon sa Sunstar Cebu, naramdaman ito bandang 7:55 Biyernes ng gabi.
Ayon sa ABS-CBN news, sa General Luna, Surigao del Norte ang epicenter nito na may layong 28 na kilometro.
Nalaman ng KAMI na intensity 5 ang naramdaman ng tinamaan ng lindol kung saan matinding pag-uga ang maaaring ikahulog ng mga nakabiting bagay sa lakas nito.
Samantala, magnitude 2.7 na lindol naman ang yumanig sa Sipalay, Negros Occidental bandang 7:53 ngayong gabi.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Narito ang ilan pang lugar na naiulat na nakaramdam ng iba't ibang intensity ng lindol:
Intensity I - Kidapawan City, Lapu-Lapu City, Argao City, Alabel at Sarangani
Intensity II - Catbalogan City
Intensity III - Cagayan de Oro City, Borongan City at Cebu City
Intensity IV - Gingoog City
Nagbigay babala rin ang Philvolcs sa maaring mga aftershocks na maramdaman kaya pinaghahanda na ang mga apektadong lugar.
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter
A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.
Click the play button and restore your faith in humanity.
Source: KAMI.com.gh