Claudia Barretto, kumanta sa music video ng isang international movie

Claudia Barretto, kumanta sa music video ng isang international movie

- Bumida si Claudia Barretto sa isang music video ng isang international movie

- Na-feature ang ganda at galing sa kantahan at pag-arte ni Claudia para sa isang Thai movie

- Ang nakakabatang kapatid ni Julia Barretto ang napili na mag-represent para sa Pinas

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Featured si Claudia Barretto sa isang music video ng isang Thai movie at naispatan ito ng KAMI.

Ayon pa sa balita ng entertaiment.inquirer.net, kinanta daw ni Claudia ang Filipino part sa naturang theme song ng upcoming Thai film, na pinamagatang 'FriendZone.'

Ini-release ng Workpoint Entertainment, isang Thai media company, ang music video ngayong araw, January 31, 2019.

Saad pa sa balita, featured ng naturang music video ang mga Asian artists na kinakanta ang parte sa kanta sa kani-kanilang wika.

Kinanta daw ni Claudia ang Filipino part ng music video sa harap ng mga kabataang musikero.

Ang ibang mga artists ay nagmula sa mga bansa ng Cambodia, China, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Vietnam, at siyempre, Thailand.

Habang kumakanta ang mga piling mga artists ay pinakita rin ang ilang mga eksena sa naturang Thai film.

Ibinahagi naman ni Claudia ang magandang balita sa kanyang Instagram.

May cameo din si Claudia sa pelikula bilang isang recording artist kasama ang isa sa mga actors na si Jason Young, ayon sa trailer nito.

Nabibilang na rin si Claudia Barretto sa mga Pinoy Pride, na mga Filipino stars na umeksena o bumida sa international scene.

Si Claudia Barretto ay isa sa mga anak ni Marjorie Barretto at nakakabatang kapatid ni Julia Barretto.

Isang singer ang nakakabatang Barretto, na pamangkin rin nina Gretchen at Claudine Barretto.

POPULAR: Read more news about Claudia Barretto here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, our team has explored the streets, once again, to ask our fellow Pinoys on some fun, tricky questions.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
7 ladies who rocked the red carpet at the 50th Guillermo Mendoza Awards Night

7 ladies who rocked the red carpet at the 50th Guillermo Mendoza Awards Night

7 ladies who rocked the red carpet at the 50th Guillermo Mendoza Awards Night
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel