Ina ng Pinoy cadet seaman na nawawala, kino-condolence na ng shipping company
- Lumapit ang tiyahin ng cadet seaman na nawawala noong Disyembre 2018 sa tanggapan ng Raffy Tulfo in Action
- Isang buwan na raw kasi ngunit kahit anong report ay walang binibigay ang shipping company sa kanila bagkus inalok pa silang mag-file ng claim sa insurance
- Ang masaklap, mga representante ng shipping company ay sinabihan na silang condolence kahit hindi pa alam ang nangyari sa kadete
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Lumapit ang tiyahin ni Kristoffer "Bryle" Galorio, 20 years old, seaman cadet sa tanggapan ng Tulfo in Action upang humingi ng tulong tungkol sa pagkakawala ng kanyang pamangkin.
Nalaman ng KAMI na isang buwan na simula noong nawalan ng contact sa pamangkin ngunit hanggang ngayon, walang konkretong sagot ang shipping company.
Ayon pa sa kuwento ng tiyahin ni Bryle, may mga representante daw ng shipping company na BW Shipping Phils. na pinupush sa pamilya na mag file ng insurance claim.
Sabi ng tiyahin, ang gusto nila ay makauwi ang bata at hindi ang makakuha ng pera.
Hindi lang iyan, nang pinuntahan ng pamilya ang shipping company sa Maynila, bukod sa pag-alok sa insurance, sinabihan silang umuwi na lang at mag-relax.
Nang-makausap ni Raffy si Gina Virtucio, representante ng BW Shipping, sinabi niyang nag-iimbestiga pa raw at di nila masasabi kung ano talaga ang nangyari sa bata.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Dahil dito, sinabi ni Raffy na sila na mismo ang hihingi ng tulong sa FBI at sa Marina doon sa Honolulu, Hawaii para makatulong sa pag-iimbestiga.
Sa huli, nang makausap ang nanay ni Bryle, dito niya isiniwalat na kino-condolence na raw sila ng shipping company kahit di pa tiyak kung ano ang nangyari sa bata.
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Care for some "pampa-good vibes"? Watch our Ariana Breathin Low-Budget Parody | HumanMeter On KAMI YouTube Channel
Source: KAMI.com.gh