Construction worker na suspek sa paggahasa sa 8 buwang sanggol, patay nang manlaban sa pulis
- Isang construction worker ang walang awang nanggahasa sa isang 8 buwang sanggol
- Ayon sa tagapagsalita ng Manila Police district, nanlaban at nang-agaw umano ng baril ang suspek sa mga pulis
- Inakusahan ang construction worker ng panggagahasa ayon sa ina ng sanggol na isang menor de edad pa lamang
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Naaresto noong nakaraang linggo ang 22 anyos na construction worker na itinuturong nanggahasa umano sa walong buwang sanggol.
Ayon sa Ulat Report, nasakote ng mga pulis ang suspek noong Enero 20 dahil sa pagsusumbong ng ina ng sanggol.
Base naman sa ulat ng ABS-CBN, kaibigan ng ina ng sanggol ang suspek at kainuman pa ito nang mangyari ang krimen.
Nagawa pang ihabilin ng ina ang anak sa suspek kaya naiwan ito sa kamay ng walang awang gagahasa sa kanya.
Sa sinagawang medico-legal sa sanggol, lumabas na nagahasa nga ito. Haharap sa kasong paglabag sa Republic Act 8353 o ang Anti-RapeLaw; at Republic Act 7610 o SexualAbuse ang 22 taong gulang na suspek.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Samantala, Enero 24 nang magreklamo ang construction worker ng pananakit ng ulo at di makahinga sa loob ng piitan.
Nakiusap ito sa jail warden na magpadala sa ospital. Ngunit nago ito isugod sa pagamutan, pinainom muna ito ng tubig upang kahit na paano ay kumalma.
Nang matanggalan ito ng posas pangsumandali, ay agad na nahablot nito ang baril ng kanyang bantay at nanlaban.
Nabaril ng station commander ang suspek upang mapatigil ito sa pagiging agresibo at sa kung ano pa ang maaring gawin nito lalo na may hawak na itong baril.
Kinilala ang suspek na Benedicto Dizon alyas Jumong.
Nasa maayos na kalagayan na ang sanggol na patuloy pa rin ang gamutan.
POPULAR: Read more viral stories here
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter
A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.
Click the play button and restore your faith in humanity.
Source: KAMI.com.gh