20 anyos na estudyante, nagtayo ng maliit na "honesty store" para sa kanyang pag-aaral
- Viral ngayon ang post patungkol sa 'Honesty store' ng isang 20 taong gulang na estudyante sa Davao city
- Nakilala ang masipag at maabilidad na estudyanteng si Joenel Malanog na mag-aaral sa University of Southeastern Philippines in Davao City, Davao del Sur
- Marami namang ang tumatangkilik sa kanyang munting negosyo para tustusan umano ang kanyang pag-aaral
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Labis na hinahangaan ngayon ang estudyante na nasa likod ng 'honesty store' na viral ngayon sa socmed.
Ayon sa Philippine star, 20 anyos na mag-aaral ng University of Southeastern Philippines in Davao City, Davao del Sur ang nagtayo ng munting negosyo na ito sa kanilang paaralan.
Nakilala ang estudyanteng si Joenel Malanog, isang 1st year entrepreneurship student.
https://web.facebook.com/story.php?story_fbid=1253167051503640&id=134752476678442&_rdc=1&_rdr
Ayon sa kanya, dati niyang nilalako at nag-iikot sa unibersidad ang kanyang paninda. Ngunit dala ng mahigpit na oras ng kanyang pag-aaral, naisipan niyang i-posisyon na lamang ang panindang merienda at ito ang simula ng kanyang 'honesty store.'
Mayroong barbecue, ice candy,donut at lumpia sa kanyang paninda. Nakalagay lamang sa karatula ang presyo ng mga ito ay isang bible verse kasama ng mga ito.
Marami naman ang kapwa niya mga estudyante ang tumatangkilik sa kanyang munting negosyo na ang kinikita ay para sa kanyang pag-aaral.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Maging ang mga netizens ay labis na namangha sa abilidad na ito ni Joenel. Bukod sa pagsuporta sa pag-kokolehiyo, natuturuan din niya ang kanyang mga mamimili ng pagiging matapat.
Ang iba naman ay labis na nag-alala sa pinasok na ito ni Joenel dahil di naman daw lahat ay magiging 'honest' lalo na kung pera ang usapan.
Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:
"To practice Honesty is the best policy"
"sana lang maganda ung takbo ng negosyo alam mo naman di honest ang mga Pilipino di ko naman nilalahat"
"Very good Idea.Allah(God) is always watching, so be honest. If the person have Fear to Almighty Creator(Allah), he/she will not do anything that can make him/her Sinful."
"Buti nga s knla pwede mgtinda s ibang school d pinapayagan mgtinda mga studyante kukumpisin p nla paninda m, kesyo my canteen dw bwisit dba nsa studyante un kung San nla gsto bumili, gsto lng nmn mkatulong s magulang o suportahan ang sarili nlang pg aaral kya ngbebenta cla eh kakagigil lng ung ibang school n bawal mgtinda"
"Wishing you the best of luck with your endeavor. Wishing there will still be many honest persons you can find in your campus."
"i hope people there stay honest and support the kid."
POPULAR: Read more viral stories here
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter
A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.
Click the play button and restore your faith in humanity.
Source: KAMI.com.gh