Batang ginahasa ng ama mula nang siya ay 6 na taon, dalawang beses nabuntis

Batang ginahasa ng ama mula nang siya ay 6 na taon, dalawang beses nabuntis

- Kalunos-lunos ang sinapit ng isang 18 taong gulang na si Shannon Clifton

- Nagdesisyon siyang ibahagi ang kaniyang kuwento upang makatulong sa iba pang mga batang nakaranas ng pang-aabuso

- Nagsimula raw siyang gahasain noong 6 na taong gulang pa lamang siya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Napagpasiyahan ng 18 taong gulang na si Shannon Cliffon na ibahagi ang kanyang kuwento upang matulungan din ang kagaya niya na dumanas ng pang-aabuso simula noong siya ay 6 na taong gulang pa lamang.

Naging paulit-ulit ang pang-aabuso ng kanyang amang si Shane Ray Clifton simula noon at may mga pagkakataon daw na umabot pa ng apat na beses sa isang araw ang ginawang panghahalay sa kanya ng ama.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dalawang beses daw nagbunga ang ginawa sa kanya ng ama. Una ay noong siya ay 11 taong gulang pa lamang ngunit nawala din iyon dahil binugbog umano siya ng ama para malaglag ang bata. Pinilit naman siyang gumawa ng kung ano-anong exercise ng ama noong mabuntis uli siya nang 13 taong gulang na siya.

Matapos mapansin ng mga tao ang kanyang pagbubuntis, itinakas siya ng ama dahil sa takot itong makulong. Gayunpaman, natagpuan sila ng mga awtoridad at naipanganak niya ang isang lalaking sanggol.

Dahil sa pag brainwash ng ama, tila may pagtututol pa mula sa dalaga nang mahatulang makulong ng panghabangbuhay ang kanyang ama.

Sabi ni Shannon, nagsimula daw ang pang-aabuso ng kaniyang ama mula nang nagkahiwalay ang kaniyang mga magulang. Madalas din daw siyang binubugbog at sinasaktan ng ama.

Ayon pa kay Shannon, pinaniwala siya ng kanyang ama na normal lamang ang mga bagay na ginawa nito sa kanya at ganoon daw talaga ang ginagawa ng mag-ama.

Dahil bata pa lamang siya, mas pinili na lamang ni Shannon na ipaampon ang kanyang anak na kapatid niya rin upang mabigyan ito ng mas magandang buha. Kasalukuyang nag-aaral siya ng criminal psychology upang makahanap ng paraan upang makatulong sa mga babaeng dumadaan sa kanyang pinagdaanan.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it. Click the play button and restore your faith in humanity.

Source: Kami.com.ph

Related news
Daughter lambastes father and alleged mistress

Daughter lambastes father and alleged mistress

Daughter exposes father and alleged mistress on social media
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel