Mga estudyante sa "fire alarm scandal", haharap sa kanilang kaparusahan

Mga estudyante sa "fire alarm scandal", haharap sa kanilang kaparusahan

- Umabot na sa halos 1 million views ang "fire alarm scandal" kung saan napagtripan ng 3 estudyante ng Palawan State University ang fire alarm ng kanilang paaralan

- Haharap ang tatlo sa kaparusahan na pag-uusapan ng paaralan at mga magulang ng estudyante alinsunod sa kanilang student's handbook

- Tumangging maglabas ng pahayag ang tatlong estudyanteng lalaki na sangkot sa iskandalo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena talaga ang nagawa ng tatlong estudyanteng lalaki ng Palawan State university kung saan napagtripan umano ng mga ito ang fire alarm ng paaralan.

Ayon sa ABS-CBN news, tinagurian itong "fire alarm scandal" na umani na ng 2 million views sa Facebook.

Makikita sa video na tila nagtutuksuhan ang mga lalaking pindutin ang fire alarm. nagkukulitan ang dalawang lalaki na tuluyan itong pindutin ngunit di naman ito tumunog.

Ngunit nang tanggalin na ng ikatlong lalaki ang takip ng alarm, dito na ito tumunog at nakabulabog sa buong paaralan.

In-upload ang video noong Jan. 2 at talagang mabilis itong nagviral. Mabuti na lamang Sabado naganap ang iskandalo kaya mas kakaunting mga estudyante ang nagambala ng 'false alarm' na ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, di ito pinalampas ng paaralan na naglabas ng kanilang official statement patungkol sa insidente.

Di raw nila palalampasin ang ang ginawa na ito ng tatlong estudyante at mahaharap ang mga ito sa kaparusahan.

Pag-uusapan at uupuan ito ng paaralan kasama ang mga magulang ng mga bata nang sa gayon ay madisiplina ang mga ito at nang di na maulit ang ganitong insidente.

Sinubukang hingan ng panig ang tatlong estudyante sa viral video ngunit tumanggi ang mga ito.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Can't get over with the latest Chambe dance challenge? KAMI tried it with a low-budget version but still with a bang!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica