Nagdadalamhati! Razorback vocalist, naging emosyonal sa pagalaala kay Brian Velasco

Nagdadalamhati! Razorback vocalist, naging emosyonal sa pagalaala kay Brian Velasco

- Nag-post ang isa sa mga featured vocalist ng Razorback na si Nicole Laurel Asensio sa kaniyang Facebook account ng pamamaalam sa yumaong si Brian Velasco

- Labis na nalulungkot si Nicole sa nangyari kay Brian at inalala nito ang masasayang yugto ng buhay kasama ang matalik na kaibigan

- Nag-commit ng suicide si Brian Velasco kahapon, sa pamamagitan ng pagtalon mula sa isang gusali

PAY ATTENTION: Click “See First” under the “Following” tab to see KAMI news on your News Feed

Madmdamin ang liham ni Nicole Laurel Asensio, bokalista ng bandang Razorback para sa yumaong kasamahan sa banda at drummer nilang si Brian Velasco.

Napag-alaman ng KAMI na nag-post si Nicole nang mahabang sulat para kay Brian sa kaniyang Facebook account. Mababasa sa naturang post ang panghihinayang ni Nicole na hindi na mula niya makakausap ang kaniyang best friend at ka-banda simula noong siya ay 16 taong gulang pa lamang.

Ayon sa post ni Nicole, nagbubura umano siya ng mga larawan sa kaniyang cellphone nang makita niya ang larawang ipinost niya kasama nang mahabang caption sa Facebook. Si Brian daw ang madalas niyang kasama sa masasaya at malulungkot na yugto ng kaniyang buhay.

“And how you are my ONLY friend who I can honestly say has seen me at my worst and who I’ve seen at some of his most painful too. You were one of my best friends since I was 16. The guy I could sleep next to for nights without any malice…”

Hindi rin daw malilimutan ng bokalista ang kanilang mahahabang inuman ng kaniyang drummer na umaabot ng 28 oras, kasama ang mga kuwentuhan tungkol sa kanilang mga buhay.

“I remember how we would drink like madmen for 28 hours straight and jump up and down because we were so d@mn happy at that moment and didn’t care what came our way next…”

Bago pa man ang mahabang post ng pamamaalam kay Brian, una nang nag-post si Nicole sa kaniyang Facebook account rin nang sanay pagsasamahan pa nilang gig ng drummer. Sa darating sanang January 23 ay mayroong nakatakdang gig ang Razorback.

PAY ATTENTION: Using free basic apps to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa kasalukuyan, nasa America si Nicole para sa ilang commitment kaya naman labis ang pagkalungkot nitong wala siya sa piling ng yumaong kaibigan.

Sa nakaraang ulat ng KAMI, gumulat sa maraming fans ng bandang Razorback ang ginawang suicide ni Brian nang tumalon ito sa kaniyang condominium unit at kinuhanan pa ng live sa Facebook.

Si Nicole Laurel Asensio ay isa sa mga featured vocalist ng bandang Razorback. Noong 2018, nag-record ng album ang banda nang may iba’t ibang bokalista kabilang na si Nicole. Nabuo ang bandang Razorback noong 1990 at ilan sa mga pinasikat nilang awitin ay ang “Ikot ng Mundo” at “Payaso.”

Nakikiramay ang KAMI sa mga naulila ni Brian Velasco.

Enjoyed reading our story? Download KAMI’s news app on Google Play now and stay-up-to-date with major Filipino news!

This video will measure the willingness of some Filipinos to help. Are they really basing their will to lend a hand based on how people look? Find out in this experiment video! Check out our videos– on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Ryan Bang finally breaks his silence on alleged issue with Karylle

Ryan Bang finally breaks his silence on alleged issue with Karylle

Ryan Bang finally breaks his silence on alleged issue with Karylle
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel