Lolit Solis, may isiniwalat tungkol sa personal na buhay ni Willie Revillame

Lolit Solis, may isiniwalat tungkol sa personal na buhay ni Willie Revillame

- Isang post naman ni Lolit Solis sa kanyang social media account ang pinag-usapan ngayon sa online world dahil sa rebelasyon nito tungkol kay Wille Revillame

- Dito ay nagbahagi siya ng isang mahabang caption na nilalaman tungkol sa tagumpay at layo ng narating ni Willie pati na rin ang lahat ng karanasan mula kahirapan

- Roller coaster nga ang naging buhay ng Wowowin host at kaugnay nito, may isiniwalat ang TV host tungkol sa yaman at sa mga anak niya

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naispatan ng KAMI ang isang latest post ng entertainment news writer at manager na si Lolit Solis, kung saan makikita ang larawan ni Willie Revillame at naglagay ng mahabang caption.

Bungad ni Lolit sa kanyang caption na invited daw sila sa New Year late merienda ng Wowowin host sa Wiltower penthouse nito.

Sa nasabing event, napag-usapan raw nila ang buhay ni Willie, kung saan ito nanggaling bago pa ito naging sobrang yayamanin.

Ani pa ni Lolit Solis sa kanyang caption:

"Napag-usapan namin iyon pinagmulan ni Willie na 50 pesos a day lang ang bayad sa kanya per performance sa drums at iyon bayad na 150 pesos a day sa Regal Family na ako ang parang pro ng producer at sila Avin at Linggit Tan ang may hawak ng production."

Tila nakabalik-tanaw ang entertainment news writer dahil ngayon, ang layo na nga ng narating ng isang Willie Revillame.

Sambit pa ni Lolit:

"Para bang balik-tanaw at ngayon, nandun kami sa building na pag-aari ni Willie. Bongga talaga ang buhay hindi mo alam saan ka dadalhin. Ang mga bagay na hindi mo aakalain darating sa iyo."

Pagpapatuloy pa ng pagsiwalat ni Lolit sa nakaraan ng TV host na nakilala na ng kanyang mga fans bilang si Kuya Wil.

"Imagine na nun nakikitulog lang si Willie kay Aga Muhlach."

Gayunpaman, saad pa ng manunulat na hind rin daw maikakaila ni Willie Revillame na kahit anong swerte raw at kahit ano pa umano ang hawak mo, sa isang pitik lang ng daliri pwede rin daw mawala ang lahat.

"Roller coaster din buhay niya, kaya kailangan maingat din sa bawat desisyon, isang maling lakad puwede ka dumapa at mahirapan tumayo. Mabuti kung lagi ka masuwerte, eh kung sumablay."

Kahit ano pa man daw ang mangyari, hindi naman umano takot si Willie na bumalik sa hirap dahilg galing siya sa hirap.

Subalit, isang bagay daw ang sinigurado ni Willie at iyon ay ang isecure ang kinabukasan ng kanyang apat na anak.

" Isa lang bagay sure si Willie secured na ang 4 niyang anak iyon lang daw ang siniguro niya, may maiiwan siya sa mga anak niya. Sabi ni Willie, galing siya sa hirap, hindi siya matatakot bumalik sa hirap basta meron lang matira para sa mga anak niya."

Pagtatapos pa ni Lolit Solis at tila payo na rin sa lahat ng artista:

"Well, magandang example si Willie sa mga artista, tingnan kung ano ang puwede for investment para makita kung saan pupunta ang kinikita mo. At sana din, tuloy-tuloy ang suwerte para kahit paano maganda ang kalabasan ng paghihirap mo."

Si Willie Revillame ang may apat na anak, ayon pa sa naunang report ng entertainment.inquirer.net.

Sila ay sina Meryll, Louise Anne, Marimonte and Juan Emmanuel.

POPULAR: Read more news about Willie Revillame here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, our team has explored the streets, once again, to ask our fellow Pinoys on some fun, tricky questions.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Dani Barretto shuts down bashers of her best friend Bela Padilla asking why she's still single

Dani Barretto shuts down bashers of her best friend Bela Padilla asking why she's still single

Dani Barretto shuts down bashers of Bela Padilla asking why she's still single
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel