5 Pinoy celebrities na kinitil ang sariling buhay

5 Pinoy celebrities na kinitil ang sariling buhay

Mayroong average na 800,000 kada taon ang nagpapakamatay sa buong mundo. Kadalasan, may depression o iba pang mental disorder ang gumagawa nito. Kahit mga sikat na artista, hindi nakakatakas sa ganitong problema.

Narito ang ilan sa mga artistang kinitil ang kanilang buhay. Nawa ay makahanap ng kapayapaan ang kanilang mga naulila.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

1. Brian Velasco

Si Brian ay ang drummer ng Pinoy rock band na Razorback simula pa noong 1996. Noong Enero 16, 2019, tumalon mula sa building si Brian habang nasa Facebook live. Hindi pa natutukoy ang eksaktong dahilan ng kaniyang pagpapakamatay.

2. Pepsi Paloma

Nagbigti si Pepsi noong May 31, 1985. Ayon sa imbestigasyon ng pulis, ang mga posibleng kadahilanan daw ng kaniyang pagpapakamatay ay problema sa pera, pagka-miss sa ina, at problema sa relasyon nila ng boyfriend niya.

Isa pang maaaring rason ayon sa imbestigasyon ay ang reports at rumors na hinalay daw siya nila Vic Sotto, Joey de Leon at Richie D’Horsie. Itinanggi ito tatlong Eat Bulaga hosts ang panghahalay kay Pepsi.

3. Tyron Perez

Nakilala sa showbiz si Tyron nang sumali siya sa StarStruck. Noong Disyembre 29, 2011, nagbaril si Tyron sa loob ng kaniyang sasakyan sa Valenzuela City.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

4. Maria Teresa Carlson

Si Maria ay isang beauty queen na nanalo ng Miss Young Philippines. Naging aktres din siya at lumabas sa ilang pelikula kasama sina Redford White, Chiquito at Vic Sotto.

Tumalon si Maria sa apartment building niya noong Nobyembre 23, 2001. Bago siya magpakamatay, inakusahan niya ng pananakit ang kaniyang asawa.

5. Alfie Anido

Matinee idol noong ‘80s si Alfie. Noong Disyembre 30, 1981, binawian ng buhay si Alfie sa bahay niya sa Makati. May reports na kinitil niya ang sarili niyang buhay ngunit may rumors din na may pumatay daw sa aktor.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

This video will tickle your mind and ignite your critical thinking as the HumanMeter team test your logical thinking through the following Tricky Questions. Check out our videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Dani Barretto shuts down bashers of her best friend Bela Padilla asking why she's still single

Dani Barretto shuts down bashers of Bela Padilla asking why she's still single

Dani Barretto shuts down bashers of Bela Padilla asking why she's still single
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel