Jesus Falcis, tinawag na boba, tanga, at matapobre si Kris Aquino!

Jesus Falcis, tinawag na boba, tanga, at matapobre si Kris Aquino!

-Mainit ang palitan ng patama ng kampo nina Jesus at Nicko Falcis laban kay Kris Aquino na nag-aakusa ng pagnanakaw kay Nicko

-Tinawag ni Jesus Falcis na hindi lang marunong sa negosyo si Kris kaya naghahanap ito ng pera sa kaniyang mga investment

-Sa isang Instagram post, sinabi ni Kris na ayaw niyang patulan ang mga “langaw” na tila patama sa mga kaaway na agad namang sinagot ni Jesus Falcis gamit ang isang post din sa Instagram

PAY ATTENTION: Click “See First” under the “Following” tab to see KAMI news on your News Feed

Patuloy ang pagbato ng mga alegasyon, paliwanag, at patunay ng kampo ng magkapatid na Jesus at Nicko Falcis, at ng Queen of All Media na si Kris Aquino. Sa isang social media post, patuloy na pinabubulaanan ni Jesus Falcis na ninakawan ng kapatid niyang si Nicko si Kris at sinabing hindi lang talaga ito marunong sa negosyo.

Napag-alaman ng KAMI na nag-post si Jesus sa kaniyang Instagram ng isang larawan ng balita mula sa Philippine Daily Inquirer na nagpapaliwanag kung saan nga ba napunta ang 40 million pesos ni Kris na sinasabing ibinulsa umano ni Nicko.

Ayon sa ulat ng larawang ipinost ni Jesus, kinumpirma raw ng abogado ni Kris na si Eloi Sy na ang 40 million ay talagang ininvest ni Nicko sa Rocks PC Co., Ltd. Dagdag pa ng abogado ni Kris, sa nasabing investment, si Nicko ay trustee lamang ni Aquino at walang legal na pagmamay-ari sa perang ipinasok sa negosyo.

Samantala, hindi rin natitinag ngayon si Kris sa pagsagot sa social media. Spotted ng KAMI ang isang social media post ni Kris na tila patama sa kaniyang mga kalaban. Ayon sa Instagram post ng host, “Do not draw your sword to kill a fly,” na may caption namang “Sorry po, realized this is far more appropriate.”

PAY ATTENTION: Using free basic apps to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Agad naman itong sinagot ni Jesus Falcis sa pamamagitan nang pagre-retweet ng post na iyon ni Kris. Ayon kay Jesus, hindi sila langaw at sila ay mga tao sabay patutsadang hindi naman reyna si Kris.

"Hindi kami langaw. Tao kami. Tao ka. Don’t think too highly of yourself. Aquino ka nga pero hindi ka Queen.

Totoo nga sinasabi samin ngayon ng mga nasa loob ng industriya. Sinungaling, manipulative, at matapobre ka.

Kaya pala wala kang friends."

Sa nakaraang ulat ng KAMI, ibinunyag ni Nicko Falcis na binantaan umano siya ni Kris Aquino, at kumalat na sa social media ang audio recording nang nasabing pagbabanta.

Kinahaharap ng magkapatid na Falcis ang mga kasong isinampa sa kanila ni Kris Aquino. Kinasuhan ni Kris si Nicko ng 44 counts of qualified theft dahil sa di umano’y ninakaw na pera nito sa kompanya ni Aquino, habang may mga kasong cyberlibel namang kinahaharap si Jesus dahil sa sunod-sunod na post nito bilang pagtatanggol sa mga kasong kinahaharap ng kapatid na si Nicko. Si Nicko ay nagsilbing managing director ng Kris C. Aquino Productions (KCAP).

POPULAR: Read more news about Kris Aquino!

Enjoyed reading our story? Download KAMI’s news app on Google Play now and stay-up-to-date with major Filipino news!

This video will tickle your mind and ignite your critical thinking as the HumanMeter team test your logical thinking through the following Tricky Questions. Check out our videos– on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Meet the lovely sister of Ruru Madrid, Athenah 'Rere' Madrid

Meet Ruru Madrid's lovely sister, Athenah 'Rere' Madrid

Meet Ruru Madrid's lovely sister, Athenah 'Rere' Madrid
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel