Nakakaiyak! June Mar Fajardo, inalay ang record-breaking MVP award sa kanyang magulang

Nakakaiyak! June Mar Fajardo, inalay ang record-breaking MVP award sa kanyang magulang

- Naging makasaysayan ang ika-5 na MVP award ni June Mar Fajardo

- Inialay din niya ang kanyang tagumpay sa kanyang mga magulang at kapatid

- Ibinahagi ni Fajardo ang kanyang feeling bilang record holder sa PBA

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Muling kinilala ang San Miguel Beermen player na si June Mar Fajardo bilang Most Valuable Player (MVP) sa PBA. Nalaman ng KAMI na ito na ang pang-5 na pagkakataong makuha ni Fajardo ang award na ito.

Naging record-breaking ang parangal kay Fajardo dahil siya lang ang PBA player na nakakuha ng 5 MVP award. Nakakuha ng 2, 436 points si Fajardo at ang nakatapat niya sa titolo ay ang player ng NorthPort na si Stanley Pringle na nagtamo ng 2, 031 points ayon sa GMA News.

Giit ni Fajardo, hindi niya inaasahang ma-break ang record. Nang tanggapin naman niya ang award ay inalay niya ito para sa kanyang mga magulang at kapatid. Pinapunta pa ni Fajardo ang kanyang mga magulang sa gitna kasama siya upang pasalamatan sila.

"Sa parents ko, sila 'yung dahilan kung bakit ako nagpursigi. Kapatid ko, sila yung pinaka-source ko ng inspiration," giit ni Fajardo.

“’Di man sila ganun kalaki, pero 'di sila nagkamaling palakihin ako,” biro pa ni Fajardo.

Ibinahagi rin ni Fajardo ang hirap na pinagdaanan niya at ng kanyang pamilya noon.

"Kahit mahirap lang kami dati, dinidisiplina nila kami, [binibigyan ng] magandang kondisyon kaya malaki ako ngayon. Dahil sa kanila, nandito ako ngayon," sabi ni Fajardo.

“Sinong mag-aakala na dati, pinagtatawanan lang, ngayon five-time MVP na?” dagdag niya pa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Matapos ang awarding at opening ng 44th season ng PBA sa Philippine Arena noog Linggo ay nagkwento naman si Fajardo sa kanyang nararamdaman.

Aniya, “Para sa’kin, isa sa pinaka best feeling na nararamdaman ko ‘pag nakita ko ‘yung parents na masaya tapos isa ako sa mga dahilan kung bakit nakangiti ‘yung parents ko."

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Several times dropped the wallet in Quiapo (district considered quite dangerous) and Cubao (district considered quite prosperous) and checked where people would return it. In one case a person returned the wallet to the wrong person, who... took it. Check out where it happened (and get surprised) – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Giyera na 'to! Kris Aquino releases official statement of lawyers after Gretchen Barretto's IG stunt

Giyera na 'to! Kris Aquino releases official statement of lawyers after Gretchen Barretto's IG stunt

Giyera na 'to! Kris Aquino releases official statement of lawyers after Gretchen Barretto's IG stunt
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel