OFW humingi ng tulong para ma-rescue anak nitong ginagahasa ng amang adik

OFW humingi ng tulong para ma-rescue anak nitong ginagahasa ng amang adik

-Sa programang Raffy Tulfo in Action humiling ng tulong ang OFW na si Mary Jane Nabong para masagip ang anak nitong ginagahasa ng ama nito

-Sa tulong ng mga operatiba, agad na nasaklolohan ang menor de edad na anaka ni Mary Jane kasama ang dalawa pa nitong kapatid

-Timbog din ang suspek na si Sector Seliote

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Takot na takot na umamin ang batang si Thea sa kanyang inang overseas Filipino worker (OFW) sa Dubai tungkol sa panggagahasa sa kanya ng kanya mismong ama!

Sa programang Raffy Tulfo in Action, dumulog ang OFW na si Mary Jane Nabong para humingi ng tulong na masagip ang kanyang 13-anyos na anak na dalaga mula sa ama nito sa Zamboanga Del Sur.

Agad namang kumilos ang buong team ng programa sa tulong ng PNP at MSWD sa nabanggit na bayan.

Nang araw ding iyon, nasagip ang biktimang si Thea na kasalukuyang nasa isang simbahan para hintayin ang tulong mula sa ina at tiyahin.

Nasagip rin ang dalawa pa nitong kapatid na nasa kanilang tahanan lang.

Iyak ng iyak at takot na takot ang batang si Thea habang kausap ni Tilfo at ng kanyang ina.

Kwento nito, nagsimula ang panggagamit sa kanya ng ama noong siya'y grade five pa lamang. Napag-alaman ding ang suspek ay isang adik.

Agad din namang natunton at nahuli ang suspek na si Sector Seliote.

Tininulungan din ng programa na makauwi ng mabilisan si Mary Jane para makasama na nito ang mga anak.

December 18 noong nakaraang taon nang makauwi ito at dumirecho na ito sa Zamboanga Del Sur.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Doon nagharap sila ng asawa na nakapiit sa presinto. Umiiyak na humingi ito ng tawad sa asawa. Anito, hindi daw niya alam ang kanyang ginagawa.

Ayon naman sa pulis na unang nakausap ni Seliote, noong una raw ay itinanggi pa nito ang nagawa sa anak. Ngunit dahil may medico legal nang hinihintay ang mga pulis, agad naman nilang napaamin ang suspek.

Inamin daw ni Seliote na ginawa lamang niyang parausan ang anak nitong panganay na ikinagalit ng husto ni Mary Jane!

Habang ang mga anak naman ni Mary Jane ay agad niyang sinundo sa MSWD upang tuluyan nang ilayo sa lugar na iyon.

Iniuwi niya na ang tatlong anak sa Cavite kung saan sila magsisimula ng panibagong buhay. Malayo sa bangungot na dinanas ng mga ito sa kamay ng mismong ama nila.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Guess what, it's our special edition of the tricky questions challenge, in which you will find lots of Christmas songs and joyous laughter! Merry Christmas everyone from the whole HumanMeter team – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone