Estudyanteng nagpakamatay dahil sa pambu-bully, nag-iwan ng ebidensya sa cellphone para sa mga magulang

Estudyanteng nagpakamatay dahil sa pambu-bully, nag-iwan ng ebidensya sa cellphone para sa mga magulang

- Humingi ng tulong ang magulang ng 16-anyos na batang nagpakamatay dahil sa pambubully

- Ayon sa mga magulang, hindi umano inaksyunan ng principal ang insidente at ang titser na isa rin sa tinuturong bully ng bata ay nandoon pa rin

- Ipinakita din ng mga magulang ng bata kay Raffy Tulfo ang sulat ng bata bago nagpakamatay at ang ebidensiya na nakatago sa loob mismo ng cellphone ng bata

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lumapit ang mga magulang ng 16-anyos na batang nag-aaral sa Las Piñas Municipal High School kay Raffy Tulfo dahil hindi umano inaksyunan ng principal ang nangyaring pambubully sa anak nila.

Nalaman ng KAMI na may iniwang sulat at cellphone pattern ang estudyante sa mga magulang bilang ebidensya ng dinadanas niya.

Makikita sa video na sinasaktan nga ang bata. Di lang iyan, sabi ng mga magulang, parang sila pa ang sinisisi ng principal kung bakit nagpakamatay ang anak nila.

Dineny pa nga raw ng principal na may pambubully na kaganapan doon sa paaralang pinamamahalaan niya.

Hindi rin kahit nasuspinde man lang ang titser na nambully rin umano sa bata, na sinabihan siya sa harap ng klase nila na di siya makakapag moving up.

Kwento ng magulang, ang kanyang uniporme daw ay ginawa pang umano basahan dahil di rin lang naman siya gagraduate.

Nang makontak ng Raffy Tulfo in Action ang nasabing principal, sabi niya ay naparating na raw niya sa DepEd, kaya lang di ito tinanggap na paliwanag ni Raffy Tulfo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Tinulungan na rin ni Raffy ang magulang na makontak ang Usec ng DepEd para sa administrative side, pati na ang PNP para sa kriminal na aspeto ng kaso.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Care for some "pampa-good vibes"? Watch our Ariana Breathin Low-Budget Parody | HumanMeter On KAMI YouTube Channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Stacy dela Fuente avatar

Stacy dela Fuente (Editor)