Pamamaalam ng 9 showbiz personalities sa 2018 na kinalungkot ng marami

Pamamaalam ng 9 showbiz personalities sa 2018 na kinalungkot ng marami

Bago natin salubungin ang 2019, magbibigay pugay ang KAMI sa 9 showbiz personalities na namaalam sa taong ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sila ang mga batikan, beterano, at primyadong mga personalidad sa showbiz, fashion designers, at mga kilalang mga bituin o celebrities sa mundo ng showbiz.

Una naming naispatan ang listahang ito sa PEP.

1. Rico J. Puno

October 30, 2018, nang bawian umano ng buhay ang award-winning singer at songwriter at OPM legend na tinaguriang Total Entertainer na si Rico J. Puno sa edad na 65 years old dahil sa cardiac arrest.

2. TJ Cruz

Namaalam din ang 37-year-old na anak na lalaki ni Tirso Cruz III na si TJ o Tristan Jedidiah Cruz matapos raw ng 6 months na pakikipaglaban sa sakit na pancreatic cancer.

3. Bernardo Bernardo

Isa si Lea Salonga na nagbigay ng pamamaalam sa beteranong stage-movie actor na si Bernardo Bernardo na pumanaw sa edad na 73 years old noong May 8, 2018.

Hindi raw malinaw kung ano ang sanhi ng pagyao ng primyadong aktor pero nauna na raw na nabanggit agn tungkol sa tumor sa kanyang pancreas.

4. Mely 'Miss Tapia' Tagasa

Pumanaw na rin ang batikang aktres na nakilala bilang si Miss Tapia sa Iskul Bukol nina Vic Sotto, Joey de Leon, at Tito Sotto.

Yumao ang aktres sa edad na 82 years noong March 24, 2018.

5. Spanky Manikan

Namaalam naman ang batikang aktor na si Spanky Manikan sa edad na 75 years old pagkatapos makipaglaban sa stage 4 lung cancer noong January 14, 2018.

6. Ptioy Moreno

Namaalam rin ang isa sa mga pillars ng fashion na si Pitoy Moreno sa edad na 87 years old noong January 15 dahil sa cardia arrest.

7. Mike Relon

Yumao ang batikang direktor na si Mike Relon pagkatapos makipaglaban sa sakit colon cancer noong October 11 sa edad na 86 years old.

8. Alona Alegre

Ang dating aktres na si Alona Alegre ay namaalam din umano kamakailan lang noong December 9 dahil sa asthma at cardiac arrest.

Nakilala daw ang aktres bilang leading lady ni Fernando Poe Jr.

9. Nonong De Andres

Last November naman ng ibinalita ang pagpanaw ng veteran character actor na si Nonong de Andres sa edad na 71 years old o mas kilala sa showbiz bilang si Bangkay.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, as we celebrate the birth of Jesus Christ together with our family and loved ones, our team has explored the streets, once again, to ask our fellow Pinoys on some fun, Christmas tricky questions.

Clearly, they had hilarious laughs on their faces, making this joyful season happier and more meaningful.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens nag-react nang papiliin ni Pokwang si Malia ng pagkain

Netizens nag-react nang papiliin ni Pokwang si Malia ng pagkain

Netizens nag-react nang papiliin ni Pokwang si Malia ng pagkain
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel