‘Di na naawa sa bata! Nag-viral ang video ng 4-anyos na biniting patiwarik ng sarili niyang ama
- Naging viral sa social media ang video ng isang bata na biniting patiwarik ng kanyang ama
- Ayon sa netizen na nagpost ay iniwan umano ng nanay ang mag-ama
- Kaya naman sinend ng ama ang video na ito upang piliting umuwi ang kanyang asawa
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Isang tatay sa Sta. Rosa Laguna ang binitin patiwarik ang kanyang sariling ama at saka pinagsasasaktan ito. Nalaman ng KAMI na kaya ginawa ito ng tatay ay para piliting umuwi na ang kanyang asawa.
Nais ibalita ng KAMI ito sa mga mambabasa upang magbigay kaalaman sa mga tao ukol sa pangaabuso at pananakit sa mga bata, para na rin makatulong sa kaligtasan ng bata sa video.
Inupload ng isang netizen sa Facebook ang video na nagtamo ng halos 2 million na views. Ayon sa nagpost ay kaya ikinakalat ang video ay para hanapin ang ama na nagtatago. Huling-huli kasi sa video ang pananakit ng ama sa bata. Matapos daw kunan ng video ang insidente ay sinend daw ito sa nanay ng bata.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Ayon sa balita ng Inquirer ay nahuli na raw ang ama bandang 11:30 ng umaga ngayong Huwebes. Nasa kustodiya na raw ng Sta. Rosa Police Station ang lalaking ito at sasailalim sa drug test at maaaring humarap sa mga kasong may kinalaman sa pangaabuso ng mga bata.
Sabi ni Superintended Eugene Orate, chief ng Sta. Rosa Police ay base rin daw sa imbestigasyon, noong December 18 pa raw nangyari ang insidente at ang plano ay ipadala ito sa social media account ng nanay sa Pasko na umalis papuntang Iloilo. Nagkaroon daw kasi ng alitan ang mag-asawa noong December 13.
Samantala, nadala na rin daw sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang bata at sasailalim sa mga medical examination. Nakatakda rin daw umuwi ang ina pabalik ng Laguna.
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Guess what, it's our special edition of the tricky questions challenge, in which you will find lots of Christmas songs and joyous laughter! Merry Christmas everyone from the whole HumanMeter team – on KAMI HumanMeter YouTube channel!
Source: KAMI.com.gh