1 pang video ng Ateneo student na nambugbog, kumalat! Biktima, pinaluhod pa
-Matapos ang nag-viral na video ng estudyante ng Ateneo na nambubog ng kapwa niya estudyante, isa pang video nito kumalat na rin
-Sa ikalawang video, pinaluhod naman nito ang biktima at pilit na pinapasabi dito ang mga salitang "bobo ako"
-Ngunit dito, hindi na siya nag-iisa dahil may isa pang estudyante din ang kasama nitong nang-bully
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Kumalat na rin ang isa pang video ng estudyante ng Ateneo na nangbugbog ng kapwa nito menor de edad na estudyante na una nang naibalita ng
Sa ikalawang video, hindi na ito nag-iisa at may kasama na nang-bully sa isa ulit estudyante.
Dito, makikitang pinaluhod pa nila ang kanilang biktima at pilit na pinapasabi dito ang mga salitang "bobo ako".
Nang hindi nito sabihin ay ito na mismo ang nagsabi na "bobo ka" sa kanilang biktima.
Pinahawakan pa ng mga ito ang kanilang mga sapatos dito at tsaka pinagtawanan ito.
Sa isang pahayag mula sa Ateneo, naki-usap ang pamunuan ng eskwelahan na itigil na ang pagpapakalat ng video nito.
Samantalang ang mga netizens, gigil-much talaga sa pangyayari.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Fremar Dizon Gazmin: "Lahat nang kasama niya dyan damay lahat sila mga g@*o iyan."
Sweetie Oblea Cleofe: "Grabe.. nkkpng gigil... nturingan nsa mgndang school."
Namie Nikz Banajera: "3x na pala nambubully bat hindi inaaksunan ano na ateneo?"
Jackie Jurado: "may mga ganitong students sa ganyan kagandang school mga bata pa wala nang dignidad nakakagigil"
Sammy Rivera Troy Ulang: "GIGIGIL AKO HUH!!"
Mj Echavia: "Bigyan ng award yung parents ng batang to!"
PRincess Galicia Manabat: "kulang sa guidance ng magulang."
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Social Experiment: Do Manila Men Still Catcall? Anti-catcalling bill in the Philippines: should we support it and will it protect catcalling victims? – on KAMI HumanMeter YouTube channel!
Source: KAMI.com.gh