She's the real deal! 5 Reasons why Catriona Gray truly deserved the 2018 Miss Universe

She's the real deal! 5 Reasons why Catriona Gray truly deserved the 2018 Miss Universe

Dahil sa kanyang bonggang bonggang panalo sa katatapos at isa sa pinaka memorable na Miss Universe beauty pageants sa nakalipas na taon, ating sisilipin muli ang top 5 reasons kung bakit karapat-dapat si Catriona Gray sa naturang korona.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

KAMI spotted these significant reasons from 8list through Yahoo News.

1. A True Ambassador

Dumating siya sa paligsahan bilang isang tunay na representanti o Ambassador ng kanyang bansa, ang Pilipinas.

Ang isang batikang kalahok sa mga beauty pageants kagaya ni Catriona Gray isinasapuso ang prinsipyo na ang pinakamahusay, pinakamagaling, o pinakamabuti sa kanya ay isang panganganinag rin sa kanyang bansang kinakatawan.

Kaya naman, kitang kita natin kung paano niya dinala ang magandang kultura at mayamang pamana ng bansa sa world stage sa pamamagitan ng kanyang mga salita, kilos, gawa, at mga damit at accessories na sinuot sa 2018 Miss Universe pageant.

Gumawa pa siya ng mga videos tungkol sa tatlong isla ng Pilipinas ang Luzon, Visayas, at Mindanao.

Lahat rin ng kanyang sinuot mula sa mga accessories at damit niya ay mayroong mga nakatagong mahahalagang bagay at importansya sa Pilipinas.

At dahil dito, masasabi natin na kayang kaya niyang dalhing mabuti ang korona ng Miss Universe sa buong mundo.

2. Embodies The True Essence of a Beauty Queen

Hindi maikakaila na bukod pa sa pagiging angking maganda sa pisikal na aspeto, makikita rin kay Catriona Gray kung gaano niya pinaghandaaan ang lahat at kung paano niya isinasapuso ang lahat ng mga aspeto bilang isang tunay at karapat-dapat na beauty queen.

She does everything with utmost determination, discipline, dedication, passion, and love.

Mula sa kanyang social media pages, makikita ang kanyang pagsasagawa sa lahat ng kanyang mga sinasabi, na naaayon sa pagiging tunay na beauty queen.

Bukod sa lahat, she's always dressed and presented herself impeccably sa taong bayan at lalong lalo na sa mga judges na natatanging kandidata na karapat-dapat sa korona.

3. She elevated the Miss Universe beauty pageant to a whole new level.

Hindi lang basta basta na rumampa si Catriona Gray pero bumida ng husto ang kanyang "lava walk" at kanyang viral "slow-mo twirl" sa buong mundo at pinag-uusapan sa social media.

Bumilib at humanga ang mga dating beauty queens at mga local at international celebrities dahil sa kanyang agaw-pansin na pagrampa at at pagpoise.

Lumalaban talaga ang peg ng beauty ng ating kandidat kaya naman lahat ng mata ay nasa kanya.

Ilang practice rin ang kanyang ginawa para lang maperpekto ang kanyang rampa at sikat na turn, na kahit anong haba pa ng kanyang gown o dapit ay hindi maapektuhan ang kanyang pagrampa bagkos lalong mamangha ang mga judges at taong bayan sa kanya.

4. Millions of Filipinos joined and supported her in her journey

Lumaban si Catriona Gray kasama ang buong Pilipinas na naniniwala sa kanya.

Bukod pa sa kanyang A-Team, na tinutukan at tinulungan siya ng malaki, ang milyon-milyong Pilipino ay todo rin ang suporta at pagtitiwala sa kanya na maiuuwi niya ang korona.

Maraming mga Pinoy ang dumalo sa Impact Arena, kung saan ginanap ang pageant at bumuhos ang samut' saring suporta ng mga kapwa Pinoy sa online at offline world.

5. Quick-witted and confidently beautiful with a heart

At higit sa lahat, si Catriona Gray ay matalino at madaling naipapahayag niya ang kanyang mga paniniwala at isipan bukod pa sa pagiging confidently beautiful with a heart.

Ika pa nga nila, Catriona Gray is beautiful, intelligent, passionate, talented, and grounded.

Makikita sa Top 20 interview na umaapaw ang pagmamahal at pasasalamat ni Catriona sa kanyang kapwa mga Pinoy.

Ibinahagi rin ni Catriona ang importansya at pagmamahal para sa mga kabataan sa Top 10 hanggang Top 5 question and answer portion.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, we added a new video with our fellow Pinoys answering some tricky questions and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Video of Anne Curtis breaking down in front of audience during concert goes viral

Video of Anne Curtis breaking down in front of audience during concert goes viral

Video of Anne Curtis breaking down in front of audience during concert goes viral
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel