Lalaking putol ang kanang hita, pinagpatuloy pa rin ang pagiging atleta
- Tunay na kahanga-hanga ang pinakitang katatagan ng triathlete na si Arnold Balais
- Bagaman at naputulan na siya ng kanang hita dahil sa dinanas na bone injury, di ito nakapigil sa kanya upang ipagpatuloy niya ang pagiging isang atleta
- Siya ang nagsisilbing inspirasyon sa mga kapwa niyang pareho ang sitwasyon upang ipagpatuloy ang buhay
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Tubong Dinalupihan, Bataan si Arnold Balais na noon pa man ay aktibo na ang pamumuhay dahil sa pagkahilig nito sa basketball.
Taong 1990 nang tamaan siya ng bone injury.
Isang taon din siyang naging bedridden dahil sa kumakalat na impeksyon dala nito. Dahil dito kinailangan na talagang putulin ang kanan niyang hita bago pa tuluyang maapektuhan ang ibang bahagi ng kanyang katawan.
Imbis na panghinaan dahil sa kawalan ng isang bahagi ng kanyang katawan, ito pa noon ang pinaghugutan niya ng lakas upang makabangon muli sa buhay. Di niya hinayaang maging hadlang ang pagkapurol ng hita upang di na niya tuluyang magawa ang mga nagagawa niya noong siya ay ‘kumpleto’ pa.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Nagsimula siya noong mag-weightlifting upang maibalik ang lakas ng katawan. Ngunit dala ng kawalan ng isang bahagi ng katawan, nadoble ang sakit na nararamdaman niya. Umabot sa puntong ramdama niya ang pananakit ng buong katawan niya. Sa kabila ng lahat ng ito, di pa rin siya sumuko.
Taong 1996 sumali siya sa Paralympics kung saan nasungkit niya ang ika-12 puwesto sa 24 na mga kalahok.
Ito lamang ang nagsilbing simula ng kanyang karera sa paralympics. Lumipat siya ng Cebu kung saan siya nag-aral ng swimming.
Isa lamang ang Philspeda competition kung saan nakapag-uwi siya ng gold medal. Nagkamit din siya ng bronze at silver medal sa Asean Paralympic games.
Siya rin ang kauna-unahang amputee na na naabot ang tuktok ng Mount Apo noong 2013.
Bukod sa pagiging prosthetic technician, nagsisilbing inspirasyon din siya sa mga kapwa niya amputee, bata man o matanda. Nagsisilbing magandang halimbawa ang kanyang sarili sa taong nakakasalamuha niya na huwag panghinaan ng loob at huwag maging hadlang ang kalagayan sa mga nais gawin sa buhay.
Si Arnold ang buhay na patunay na lahat ng bagay ay posibleng makamit, sa positibong pag-iisip, determinasyon at ugali. Mapagtatagumpayan ang mga pangarap sa kabila ng mga balakid na magbibigay lamang ng aral sa pagkamit ng minimithi.
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Can't get over with the latest Chambe dance challenge? KAMI tried it with a low-budget version but still with a bang!
Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version | HumanMeter on KAMI YouTube channel
Source: KAMI.com.gh