Teamwork! Ang glam team sa likod ng tagumpay ni Catriona Gray sa Miss Universe

Teamwork! Ang glam team sa likod ng tagumpay ni Catriona Gray sa Miss Universe

- Ipinakita sa isang social media post ang team na kasama ni Catriona Gray

- Ang glam team niyang ito ang tumulong sa kanya upang makamit ang korona

- Natuwa rin naman ang netizens sa naging bunga ng teamwork nila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa isang social media post ay ibinahagi ng beauty queen mentor na si Jonas Gaffud ang litrato ng mga tao na tumulong kay Catriona Gray sa kanyang journey sa Miss Universe 2018.

Nalaman ng KAMI sa Instagram ni Gaffud na tila dapat lang kilalanin din ang mga taong naging parte ng tagumpay ni Catriona.

Aniya, “Give credit where credit is due. Huge congratulations should go to the team that helped Catriona in her Miss Universe bid.”

Kasama ni Catriona sa litrato ang mga designers na sina Mak Tumang at Jojo Bragais, casting director Harley Tan, mentor Carlos Buendia Jr, at stylists na sina Ton Lao at Brent Sales.

Subalit, hindi naman kasama si Gaffud sa litrato. Si Gaffud ang nagsilbing mentor ni Catriona sa Miss World 2016 kung saan umabot siya hanggang Top 5.

Maging ang mga netizens ay natuwa sa teamwork na ipinakita nila upang makamit ni Catriona ang korona. Narito ang ilang komento nila sa Instagram post:

“Congratulations team. You guys are the Philippine Pride!”
“Super awesome teamwork. Mga matatabang utak ng Pilipinas.”
“Congrats guys job well done! Mabuhay kayo!”
“Congrats to Cat and her team for a job well done! Congrats also to you [Gaffud] for getting Cat started with Miss World.”
“Congratulations to the team!... Your hard work is paid off!... Kudos and Mabuhay!...”

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Noong matalo sa Miss World si Catriona noong 2016 ay umalis siya sa Aces and Queens camp ni Gaffud at sumali siya bilang independent candidate sa Binibining Pilipinas ayon sa report ng ABS-CBN News.

Si Gaffud ay isa sa mga kilalang beauty mentor. Ilan na nga sa mga na-handle niya ay sina Pia Wurtzbach, Kylie Verzosa, at Megan Young.

Naibalita naman ng KAMI na grabe ang suporta ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach kay Catriona at tila tuwang tuwa rin ito sa tagumpay niya.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version. Alex Gonzaga, what an amazing song you have come up with! We can only try to reach the stars with our low-budget versions. But we are doing our best! - on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Zoren Legaspi reveals that twins Mavy and Cassy are still confused in joining showbiz officially

Zoren Legaspi reveals that twins Mavy and Cassy Legaspi are still confused in joining showbiz officially

Zoren Legaspi reveals that twins Mavy and Cassy are still confused in joining showbiz officially
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel