Pinay OFW sa Taiwan, nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti
-Nakabigti at wala nang buhay ang OFW na si Cherry May Manluctao Donato nang madatnan ng kanyang mga kaibigan sa kwarto nito
-Ayon sa report, lasing na lasing ito bago kunin ang sarili
-Nagawa pa umano nitong magtext sa nobyo at magpaalam
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Nakabigti na at wala nanag buhay nang maabutan ng kanyang mga kaibigan o kasamahan sa bahay ang overseas Filipino worker (OFW) na si Cherry May Manluctao Cherry May Manluctao Donato sa kwarto nito.
Ayon sa report, nagawa pa nitong magpadala ng text message sa nobyo nito para sabihin ang binabalak nitong pagkitil sa sariling buhay.
Dahil naalarma, agad daw na tinawagan ng nobyo nito ang mga kaibigan nito sa Taiwan kung saan ito kasalukuyang nagta-trabaho.
Ngunit huli na nang dumating ang mga ito. Nakabigti na ang Pinay sa kwarto nito.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Kwento ng mga kaibigan, lasing na lasing daw si Donato nang mga panahong nagpakamatay ito.
Ayon pa sa mga ito, may pinagdadaanang problema ang pamilya nito pero siguradong hindi iyon ang dahilan ng pagpapakamatay ng dalaga.
Sinabi rin ng mga ito na may ibang pinagdadaanan ang dalaga ngunit hindi nito nilinawa ng totoong rason at suportado naman daw ito ng pamilya nito.
Kaya naman hanggang sa kasalukuyan ay nananatiling misteryo ang dahilan ng kanyang pagpapakamatay.
Nakikiramay ang KAMI sa mga naiwan ng ating kababayan.
Source: Kwentong OFW
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
In this animation video by KAMI, we show the story of a woman who adopted a baby boy. As he grew up, he became more rebellious and wanted to meet his biological mother. In the end, he learned an important lesson on who his real mother is on HUMANMETER Youtube channel!
Source: KAMI.com.gh