1 min lang ang binigay para makita ang baby nya! Di tanggap kasi dukha daw
-Isang minuto kada linggo lamang ang ibinigay sa isang ama para makita ang kanyang anak ng pamilya ng kanyang GF
-Hindi daw kasi siya tanggap ng pamilya dahil dukha lamang ang pamilya niya
-At dahil sa kanilang sitwasyon kung kaya wala siyang magawa para maipaglaban ang karapatan dahil menor de edad ang kanyang nabuntis
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Inireklamo si Benson Penarada ng pagtatago umano sa menor de edad niyang GF na si Marnie. Sa programa ni Raffy Tulfo, dumulog ang ina nito na si Margie Araba kasama ang isa pang anak na si Angelica.
Ayon sa reklamo, naglayas umano si Marnie kasama ang baby nito. Hinala ng mga ito, itinatago lamang ni Benson si Marnie.
Dati na rin daw kasing nangyari ang ganitong insidente at napatunayan umano na itinago talaga ang kanilang anak.
Nang mapanood ang reklamo laban sa kanya, agad na pumunta si Benson sa isang kagawad sa kanilang lugar upang ipaliwanag ang kanyang sarili.
Agad silang pinagharap-harap sa programa ni Tulfo kasama ang dalagang si Marnie at ang anak nito.
Ipinaliwanag ni Benson ang kanyang panig. Ngunit tila hindi pa rin lumambot ang pamilya ni Marnie dahil nais siyang ipakulong ng mga ito.
Ayon naman kay Marnie, nais lamang niya na hayaan ng kanyang pamilya si Benson na makita silang mag-ina kahit na hindi sila tuluyang magsama.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Limang taon na silang magkasintahan at alam daw ito ng kanyang mga magulang. Nakaranas din daw ito ng pananakit at panunutok ng patalim mula sa ama.
Pinabulaanan ng ina nito ang paratang ngunit inaming napagbubuhatan ng kamay ang bata dahil na rin sa katigasan ng ulo.
Sinubukan ni Tulfo na pagkasunduin ang mga ito ngunit tila matigas ang mga Araba. Kaya naman sinabi ni Marnie na mas nais pa niyang mapunta sa DSWD kapag natuluyang ipakulong ang nobyo.
Hindi daw kasi sila nirespeto ni Benson mula pa lamang noong nabuntis pa lamang nito ang anak.
Depensa naman ni Benson, ang mga ito ang hindi marunong rumespeto. Minsan na daw kasing nilait-lait ng mga ito ang buo niyang pamilya.
Kwento ni Benson, sinabi daw ng mga ito na mukha silang mga aso at hindi sila matanggap dahil dukha lamang sila.
Hindi ito nagustuhan ni Tulfo at sinabing ito ang nakikita niyang dahilan kung bakit hindi matanggap ng mga ito ang lalaki.
Ayon naman kay Tulfo, mukhang totoong nagmamahalan ang dalawa at wala siyang nakitang pwersahan sa kanilang relasyon.
Sa huli, pumayag din ang ina ni Marnie na makabisita ang lalaki sa kanilang anak at apo dahil na rin pangungumbinsi ng programa.
Ngunit naiba na naman ang desisyon ng mga ito nang magharap sa barangay. Ayon kay margie, hindi pumayag ang kanyang asawa sa napagkasunduan.
Nang ipasundo ng team ng programa ang tatay ni Marnie, nagmatigas ito na putulin na ang kaugnayan ng dalawa.
Nagbanta pa ito na dadalin sa probinsya ang buong pamilya oras na magmatigas ang panig ni Benson.
Ngunit dahil sa karapatan, wala itong nagawa kundi pumayag. 'Yun nga lamang, isang minuto lang kada linggo at sa barangay lang maaaring mabuhat ni Benson ang anak.
Hindi rin pumayag ang mga ito na magkita pa si Benson at si Marnie.
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
In this animation video by KAMI, we show the story of a woman who adopted a baby boy. As he grew up, he became more rebellious and wanted to meet his biological mother. In the end, he learned an important lesson on who his real mother is on HUMANMETER Youtube channel!
Source: KAMI.com.gh