Mga madre, nahuling nagnakaw ng pera para mag-casino at magtravel sa Las Vegas

Mga madre, nahuling nagnakaw ng pera para mag-casino at magtravel sa Las Vegas

- Dalawang madre ang nasangkot sa pagnanakaw sa isang Catholic School sa California

- Umabot daw sa $500,000 ang nalikom nilang pera

- Ginasta raw nila ito para maglaro sa casino at mag-travel sa Las Vegas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dalawang madre sa California ang umaming nagnakaw sila ng pera mula sa eskwelahan para makapagtravel sa Las Vegas at makapagsugal.

Nalaman ng KAMI sa ABS-CBN News na ang dalawang madre na sina Sister Mary Margaret Kreuper at Sister Lana Chang ay nakalikom ng halos $500,000 mula sa mga tuition fee at donasyon sa St. James Catholic School sa Los Angeles.

Si Sister Kreuper daw ay dating principal doon sa school sa loob ng 20 years. Si Sister Chang naman ay 20 years naging teacher doon. Samantala, sabay naman silang nagretiro ngayong taon at malapit na magkaibigan daw ang dalawa ayon sa balita ng Channel News Asia.

Mga madre, nahuling nagnakaw ng pera para mag-casino at magtravel sa Las Vegas

Photo from Getty Images
Source: Getty Images

Ayon sa Archdiocese of Los Angeles, nalaman daw nila na may mga nawawalang pera noong nag-audit sila. Naniniwala rin silang matagal na itong ginagawa ng mga madre sa loob ng isang dekada.

Nalaman daw ng mga magulang ng mga estudyante ang insidenteng ito. Subalit, ayon sa Archdiocese ay hindi raw sila magsasampa ng kaso laban sa dalawang madre sabi sa report ng New York Daily News.

“We do know that they had a pattern of going on trips. We do know they had a pattern of going to casinos, and the reality is, they used the account as their personal account,” ayon sa isang attorney nang kausapin ang mga magulang at alumni ng paaralan.

Mga madre, nahuling nagnakaw ng pera para mag-casino at magtravel sa Las Vegas

Photo from Pexels
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, humihingi naman daw ng tawad at panalangin ang mga madre mula sa mga magulang.

"Sister Mary Margaret and Sister Lana have expressed to me and asked that I convey to you, the deep remorse they each feel for their actions and ask for your forgiveness and prayers," giit ni Michael Meyers,” ang pastor ng St. James Catholic School.

“They and their order pray that you have not lost trust or faith in the educators and administrators of the school. Let us pray for our school families and for Sister Mary Margaret and Sister Lana,” dagdag niya pa.

Hanggang sa ngayon ay patuloy daw ang imbestigasyon sa dalawang madre kung saan ginasta ang lahat ng pera at kung magkano talaga ang total ng lahat.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Anak na diumano'y dinukot, nailigtas matapos humingi ng tulong

Isang anak, humingi ng saklolo matapos siyang dukutin diumano

Isang anak, humingi ng saklolo matapos siyang dukutin diumano
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel