Sekyu na sumita sa nag-swimming sa fountain sa isang mall, natanggal di umano sa trabaho
- Isang sekyu ang natanggal daw sa trabaho dahil sa pagsita sa isang lalaki na nag-prank at nag-swimming sa fountain sa isang mall
- Bahagi ito ng Tukomi brothers na kilala sa internet sa mga prank videos nila
- Umani ng iba't ibang reaksyon ang naturang post
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Viral ngayon ang post ng netizen na si Walter de Vera kung saan nakunan niya ang isang lalaki na naglalangoy sa fountain ng isang mall sa Davao city.
Makikitang animo'y ginawang swimming pool ang dapat ay display lamang ng mall nang biglang sitahin ito ng security guard doon.
Matapos sabihan ang lalaki na bahagi pala ng Tukomi brothers na kilala sa kanilang mga prank videos sa internet, tinananong pa ng lalaki kung gaano na katagal naglangoy.
Para bang ginawa niyang practice pool ang lugar. Maayos namang umahon sa pool ang lalaki na naka-all pink pa na swimwear.
Ilang oras matapos ma-post ang video, isang netizen na may Facebook name na Jacky Lou Lago Alipo-on na nagpakilala bilang guard na siyang sumita sa lalaki.
Ayon sa kanya, natanggal daw siya sa trabaho at namomroblema kasi apat ang kanyang mga anak na binubuhay.
Dahil dito, gumawa ng ingay ang post na tila sinisisi na ang nag-prank dahil sa pagkawala ng trabaho sekyu.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:
"Ayan marami k ng likes. Nkakahiya naman sayo n may nawalan ng trabaho dahil sa pag papasikat mo na yan. Mas maganda kung dumami ang likes mo dahil may natulungan ka kesa may naperwisyo ka. Pabida ka. Tumulong k n lang s kpwa kung wala kang magawa"
"Dapat sa ilog pasig ka lumangoy para lalo kng sumikat d ka na nga nakatulong namirwesyo ka pa pano yan pakainin mo ang pamilya ng gwardya kc natanggal sya trabaho dahil sa ginawa mo makonsensya k n man bosing."
"Dahil sa kakupalan mo my nwalan ng trabaho tsk tsk tsk pasikat pa more"
"dahil Sayo mawawalan ng trabaho mga taong nagtratrabaho dyan"
"Kulang sa pansin call the authority at pakulong yan publik disturbance! mo bow ko sa inyoha kung o ambak mo dha sa gmall tanawon nato kung buhi pamo pag abot sa ubos."
"Mapansin lang! Lahat gagawin"
"Dhil sa kagustohan mong mag viral khit ano2 nlng ginawa mo wla nmang msama gusto molang mkapagbigay aliw sa mga tao. Un nga lang wrong timing"
Kalaunan, nalaman na troll account lang ang nagsabi na siya ang sekyu na nawalan ng trabaho. Nangangahulugan na walang guard ang nawalan ng trabaho at gaya ng lalaki sa pool, na-prank lamang sila nito.
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?
Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel
Source: KAMI.com.gh