Ininom pa daw ang dugo! Walong buwang sanggol, kalunos-lunos ang sinapit sa sariling ina
- Kalunos-lunos ang sinapit ng isang walong buwang sanggol sa kamay ng kanyang ina
- Ayon sa ulat, ginilitan ng ina ang sanggol at ininom pa diumano ang dugo nito
- May mga naniniwala namang dumaranas ng Post Partum Depression ang nasabing babae
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Patay ang walong buwang sanggol matapos siyang gilitan sa liig ng sariling ina sa Sitio Alang-alang, Brgy. California, Barotac Viejo, Iloilo.
Ayon sa panayam ng Bombo Radyo kay Police Chief Inspector Joven Arevalo, hepe ng Barotac Viejo Municipal Police Station, ginamit umano ng babae ang isang matalim na bagay na tinawag na "pisaw" at gunting sa pagilit sa bata.
Bago paman daw mangyari ang naturang krimen, nag-away diumano ang mag-asawa dahil sa nasirang plastic cabinet.
Napansin ng kinakasama ng babae na balisa daw ito noong mga nakaraang araw sa di niya mawaring dahilan.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Nakauwi pa daw ito at namalagi ng ilang araw sa bahay ng kanyang mga magulang sa San Rafael, Iloilo ayon sa kinakasama niya.
Nangunguha daw ng gulay ang lalaki nang ipagpaalam diumano ng kanyang apat na taong anak na hihiramin ng kanyang asawa ang patalim na ginagamit niya sa pagpitas ng mga gulay.
Nang makauwi siya ay nakita niyang nasa lababo ang duguang sanggol at gayon din daw ang bibig ng kanyang kinakasama. Ayon pa sa kanya, ininom din daw nito ang dugo ng kanilang anak.
Nasa Barotac Veijo PNP na ang nasabing 28 taong gulang na ina.
Ayon naman sa ibang netizens, maaring nakakaranas daw ito ng Post Partum Depression.
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter
Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers!
Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers
Source: KAMI.com.gh