Ala-zombie na raw? Pedestrians na nakasuot ng headset binigyang babala
-Isang lalaki sa isang dashcam video ang muntik nang masagasaan dahil nakasuot ito ng headset
-Ayon sa mga opisyal, para na raw zombie ang mga katulad ng lalaking ito na hindi alintana ang panganib na dala ng headset habang naglalakad sa kalsada
-Muli namang nagbigay ng paalala ang MMDA kaugnay nito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Muntik nang masagasaan ang isang lalaki sa kuha ng isang dashcam video. Makikitang naka-green ang traffic light sa lugar at kahit na paulit-ulit bumusina ang sasakyan, tuloy pa rin sa pagtawid ang lalaki.
Nang muntik na itong masagasaan, doon lamang napansin ng lalaki na muntik na siyang mapahamak!
Kapansin-pansin rin na tinanggal nito ang suot na headset atsaka parang wala lang na tumawid at sumakay ng jeep.
Ang lalaking ito ay isa daw sa mga dumaraming pasaway na pedestrians na gumagamit ng headset kahit pa may mga posibilidad na mapahamak sila.
Ayon kay DOTr Commuter Affairs Asec. Elvira Medina, para na raw zombie ang pasaway na pedestrians na patuloy na gumagamit ng cellphones at headsets habang tumatawid sa kalsada.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Muli namang nagbabala ang MMDA tungkol dito.
"Kagaya ho ng mga drivers ma'am, dapat ang pedestrian ay defensive rin. Hindi ho tayo dapat komportable sa kalsada.
Make sure hindi ho tayo nagte-text habang tumatawid, hindi ho nakasuot 'yun mga earphones natin kapag tumatawid. Presence of mind para po sa ating mga pedestrian."
Ito ang pahayag ni MMDA Spokesperson Asec. Celine Pialago sa panayam sa GMA News.
Dati nang naiulat ng ang insidente kung saan isang dalagita ang nasagasaan ng tren at napugutan ng ulo dahil din sa headset.
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!
Source: KAMI.com.gh