6 Aktres na naging Faye sa "Okay Ka, Fairy Ko" at "Enteng Kabisote"

6 Aktres na naging Faye sa "Okay Ka, Fairy Ko" at "Enteng Kabisote"

Isa sa pinakapinapanood at longest-running series sa telebisyon ay ang Okay Ka, Fairy Ko, na ginawan na rin ng hit at blockbuster na pelikula na Enteng Kabisote.

At ang isa sa pinakakilala at pinakaminahal na karakter sa naturang show ay si Faye, na ang magandang misis ni Enteng Kabisote.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa nakalipas na mga taon at ilang istasyon, at ilang pelikula na rin, marami na ring mga nagagandahang aktres ang gumanap sa papel na Faye.

Ngayon sa KAMI, babalikang tanaw namin ang 6 beautiful actresses na gumanap sa role ng misis ni Enteng Kabisote, na ginampanan ni Bossing Vic Sotto.

1. Pauleen Luna

Si Eat Bulaga dabarkad at real misis na ngayon ni Vic Sotto ay ang huling aktres na gumanap na Faye sa pelikulang Enteng Kabisote 10 and the Abangers.

2. Gwen Zamora

Ang dating Kapuso aktres na si Gwen Zamora ang gumanap na Faye para sa 2012 Metro Manila Film Festival movie entry na Si Agimat, si Enteng, at si Ako.

Siya rin ang gumanap na Faye sa Enteng Ng Ina Mo at Si Agimat at Si Enteng Kabisote.

3. Kristine Hermosa

Si Kristine Hermosa naman ay naging Faye sa apat na pagkakataon at pelikula.

Siya ang naging Faye sa 2004 Enteng Kabisote: Okay ka, Fairy Ko: The Legend, 2005 Enteng Kabisote 2: Okay Ka Fairy Ko: The Legend Continues, 2006 Enteng Kabisote 3: Okay Ka, Fairy Ko: The Legend Goes On and On and On, at 2007 Enteng Kabisote 4: Okay Ka Fairy Ko...The Beginning of the Legend.

4. Dawn Zulueta

Si Dawn Zulueta naman daw ang naging Faye sa incarnation ng Okay Ka, Fairy Ko, sa GMA noong 1995 hanggang 1997.

5. Tweetie de Leon

Naging Faye si Tweetie de Leon sa TV series noong 1989 hanggang 1995, at sa pelikula nito na Okay Ka, Fairy Ko: The Movie part 1 at 2 noong 1991 at 1992, ayon na rin sa 8 List, kung saan una naming naispatan ang istoryang ito.

6. Alice Dixson

Si Alice Dixson naman ang pinakaunang aktres na gumanap na Faye noong 1987 hanggang 1989.

Dahil rin dito, siya ang pinaka-kaunahang pangalan na nasasambit pag ang pinag-uusapan ay ang karakter na Faye.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions on ‘What Color Is This Word?’ and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinay, nanalo ng P1 million matapos tanghaling 'UAE's Best Nanny'

Pinay, nanalo ng P1 million matapos tanghaling 'UAE's Best Nanny'

Pinay, nanalo ng P1 million matapos tanghaling 'UAE's Best Nanny'
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel