Level-up! Tricycle booking app, tampok sa La Union

Level-up! Tricycle booking app, tampok sa La Union

- May bagong mobile app na inilunsad sa San Fernando City, La Union

- Maaari na mag-book ng mga tricycle ang mga residente roon

- Sinigurado naman ng founder ng app na ligtas daw ito at susunod sa batas trapiko ang mga drivers nila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tampok sa San Fernando City, La Union ngayon ang tricycle booking application na “Para”. Nalaman ng KAMI na mahirap daw kasi makahanap o makasakay ng tricycle sa San Fernando lalo na kapag rush hour, minsan daw ay umaabot na sa isang oras ang paghihintay.

Kaya naman, gumawa ang isang IT graduate na si Jovan Ortega ng application kung saan pwede na mag-book ang mga commuters ng kanilang tricycle ayon sa balita ng ABS-CBN News. Malaking tulong daw ang app na ito para sa mga pasahero at tricycle drivers.

Kasalukuyang may 140 units na raw ang “Para”. Maaari rin daw mag-book sa San Fernando at San Juan, La Union. Isang linggo pa lang ang nakalipas nang ilunsad ang app na ito. Tiniyak naman ng founder na safe ito at susunod sa batas trapiko ang mga tricycle drivers.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Let's Play: Pera or Bayong? | We are again catching Filipinos and suggesting them to choose: they can either take money or the unknown present (native bag). What would you choose without knowing what's inside the bag? – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Kurt Yap avatar

Kurt Yap (Editor)