7 StarStruck batch one ladies, pagkatapos ng halos dalawang dekada

7 StarStruck batch one ladies, pagkatapos ng halos dalawang dekada

October 27, 2003, nang mag-premiere ang reality artista search ng GMA-7 ang StarStruck.

Naging isa sa pinaka pina-usapang shows ng Kapuso ang naturang reality talent show, lalong lalo ang kauna-unahang season ng naturang programa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kung titingnan natin, halos dalawang dekada o 15 years na, simula ito nagbukas.

Naispatan ng KAMI ang pito (7) sa mga babae na unang nakilala sa first season ng StarStruck.

Kaya naman ating kumustahin sila at silipin kung anu-ano na nga ang kanilang ginagawa ngayon.

1. Jennylyn Mercado

Nagtapos si Jennylyn Mercado bilang ang Ultimate Female Survivor ng kauna-unahang season ng StarStruck.

Bukod pa sa pagiging grand winner, si Jennylyn raw ang pinaka successful sa mga contenders dahil pagkatapos daw ng show, umusbong ang karera sa showbiz para kay Jennylyn at nakakuha ng ibat' ibang mga roles sa mga pelikula, TV series, at mga endorsements.

Ngayon, busy si Jen sa kanyang negosyo raw na mga cookies na gawa niya at happy mom siya ng kanyang unico hijo na si

2. Yasmien Kurdi

Si Yasmien Kurdi naman ang anging First Princess ng naturang season pero diumano ay naging missing in action raw ang Kapuso aktres ng pansamantala.

At nang bumalik umano, siya ang naging lead actress ng afternoon series ng Kapuso network ang Hindi Ko Kayang Iwan Ka.

Ngayon, happily married si Yasmien at mayroon ng 6-year-old daughter.

3. Sheena Halili

Gaya umano sa kanyang kapwa StarStruck ladies, nakakakuha raw ng kaliwa't kanan na mga proyekto ang isa sa mga Avengers ng naturang show.

Huling nakita daw si Sheena Halili sa Impostora ng GMA-7 afternoon drama at makikita siya sa MMFF entry na 'The Girl in the Orange Dress,' na pinagbibidahan nina Jessy Mendiola at Jericho Rosales.

Bukod pa rito, busy rin si Sheena sa kanyang negosyo.

4. Nadine Samonte

Ang isa pang Avengers ng first season ng StarStruck ay si Nadine Samonte.

Huling nakita Nadine Samonte sa Wish ko Lang kasama si Dominic Roco.

Happily married na din si Nadine at magiging soon-2nd-time-mommy na rin raw.

5. Jade Lopez

Si Jade Lopez ay ang isa sa mga StarStruck Avengers.

Pagkatapos ng naturang contest, nakakuha raw ito ng iba't ibang proyekto at supporting roles sa TV series.

Naispatan si Jade sa Super Ma'am, Impostora, at Inday Will Always Love You, at ngayon, makikita pa rin siya sa Kapag Nahati Ang Puso.

At kamakailan lang ay ikinasal sa kanyang long-time boyfriend.

6. Katrina Halili

Nagkaroon man ng kontrobersiya sa kanyang buhay umano ay nanatiling matatag pa rin raw si Katrina Halili, at ang pinakahuling show na kanyang kinabilangan ay ang The Stepdaughters.

May isang anak na rin si Katrina at may ari din daw ng isang beach resort.

7. Cristine Reyes

Mula sa Kapuso network, lumipat si Cristine Reyes sa Kapamilya network at nagkaroon ng iba't ibang mga roles sa TV at movies.

Ngayon, nanatiling Kapamilya pa rin si Cristine at may isang anak na babae na si Amara.

Unang lumabas raw ang listahang ito sa FHM, ayon sa Kikay Department, kung saan una naming naispatan ang balitang ito, dahil sa bali-balita na magbubukas umano ulit ang StarStruck Season 7.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions on ‘What Color Is This Word?’ and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Alex Gonzaga at pamangking si Seve, may nakakaaliw na bonding moment

Alex Gonzaga at pamangking si Seve, may nakakaaliw na bonding moment

Alex Gonzaga at pamangking si Seve, may nakakaaliw na bonding moment
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel