Lie ‘Yes ma’am’ Reposposa, tinarayan diumano ng bagong pasok na PBB housemate

Lie ‘Yes ma’am’ Reposposa, tinarayan diumano ng bagong pasok na PBB housemate

- Isang housemate ang nakapasok sa Pinoy Big Brother house dahil sa pagkaka-evict ni Josh

- Ngunit umpisa pa lang ay inaakusahan na siya ng mga netizens ng pagiging mataray

- Isa sa diumano’y naging basehan ng netizens ang video na trending na ngayon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Viral ngayon sa social media ang video ng isang bagong pasok na Pinoy Big Brother housemate habang tinatarayan diumano si Angelie Reposposa o mas kilala bilang “Yes ma’am!”

Nalaman ng KAMI na ang tinutukoy na bagong housemate ay ang 14-year-old “Apo of the Eye ng Quezon City” na si Criza Taa.

Si Criza ay kapapasok pa lamang ng bahay ni kuya nitong linggo matapos mabigyan ng chance sa pagkaka-evict naman ni Josh.

Sa video na number 6 trending na ngayon sa Youtube, makikita ang mga housemates habang masayang nag-uusap sa pool area ng bahay ni kuya.

Maririnig din na nangingibabaw ang boses ni Lie na noon ay gustong magsayaw at turuan si Criza.

Ngunit sa kaniyang paglapit sa bagong kasama, agad-agad na umayaw si Criza pero nagpatuloy pa rin si “Yes ma’am!”

Napansin naman ng mga netizens na tiningnan ni Karina ang bagong housemate dahil sa naging sagot nito.

Narito ang video:

Mayroon nang mahigit kalahating milyon na views ang Youtube video at nakaakit din ito ng samu’t-saring reaksyon tungkol sa diumano’y pagtataray.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

“Tinitigan sya ni karina ng sinabi nyang AYOKO. Close pa naman ni karina si Lie. Lagot ka, vote for evict na this HAHAHAHA.”

“Mukang may susunod na mapapalabas. Ugaling di marunong makisama at di marunong makibagay...”

“Ay taray mo nman crisa...agad ka ng nakitaan ng hnd magandang attitude.”

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kung ang iba ay tinuligsa ang bagong housemate sa hindi daw magandang ugali na ipinakita nito, may ilan namang ipinagtanggol ang dalaga. Narito ang kanilang mga naging hinaing:

“Hindi naman masamang tumanggi kung ayaw talaga. Maarte agad?”

"Reality show yan malamang ung ugali nila natural lang kung magiging bait baitan yan ang panget na ng pbb scripted na…”

“For me, I see her as a determined housemate, despite her young age she's strong and kayang makipagsabayan…”

Sa nakaraang ulat ng KAMI, nagsalita na ang guro ni Lie tungkol sa issue na trying hard daw ang dalaga sa panggagaya sa dating big winner na si Maymay Entrata.

Si Lie, o binansagan bilang “Tinig ng Tawanan ng Davao,” ay unang nakilala matapos nitong sumali sa Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime. Kinatuwaan agad siya ng madlang people dahil sa kagustuhang makausap si big brother.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Today we are going to ask Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! Saan Aabot Ang Bente Pesos Mo? This question might sound easy, but in reality, they are pretty tricky and it is easy to make a mistake! – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Aicelle Santos and Mark Zambrano's lovely pre-wedding photos

Aicelle Santos and Mark Zambrano's heartwarming pre-wedding photos

Aicelle Santos and Mark Zambrano's lovely pre-wedding photos
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel