14-day-old na baby, patay sa pagpapadede raw ng ina na antok na antok na
- Patay ang isang sanggol nang mapunta sa baga ang gatas na pinadede ng kanyang ina
- Dala raw ng labis na antok, di nagawang iangat ng ina ang ulo ng sanggol habang pinapasuso niya ito
- Aspiration Pneumonia ang kinamatay ng sanggol na nag-agaw buhay pa bago tuluyang pumanaw
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nakalulungkot ang pangyayari kung saan namatay ang 14 na araw na gulang ng sanggol dahil daw sa maling pagpapadede ng ina.
Dinala sa ospital ang baby na nag-aagaw buhay na pala at inakalang natutulog lang.
Kwento mismo ng ina, breastfeed talaga ang kanyang anak ngunit nang gabing iyon, gumamit siya ng milk formula sa bote. Dala ng labis na pagkaantok, di na niya nagawang iangat ang ulo ng baby na naka-flat habang pinadedede ito.
Ito raw ang dahilan kung bakit nalunod ang bata sa gatas na napunta na raw sa baga nito. Aspiration Pneumonia ang tawag sa kaso na kinamatay ng sanggol.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Sinubukan pang i-revive sa ospital ang bata ngunit talagang huli na ang lahat at binawian na ito ng buhay.
Paalala ng nagpost, gawing maayos ang pagpapakain lalo na sa mga bagong silang na sanggol. Wala pa silang muang at nakadepende pa talaga sila sa atin. Importante na maayos ang posisyon ng pagpapakain sa kanila lalo pa ang ilang araw pa lang naipapanganak.
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?
Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel
Source: KAMI.com.gh