Nawindang ang mga netizens dahil sa diumanong mga sakit na rason ni Imelda Marcos

Nawindang ang mga netizens dahil sa diumanong mga sakit na rason ni Imelda Marcos

- Nagbigay na ng paliwanag si dating first lady Imelda Marcos kung bakit hindi siya nakasipot sa Sandiganbayan

- Nagbigay siya ng mga sakit kung bakit hindi siya nakapunta

- Mukhang hindi naman ikinatuwa ng mga netizens ang dahilan niyang ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Noong inanunsyo ng Sandiganbayan 5th Division na tila guilty ang dating first lady na si Imelda Marcos sa 7 counts of graft ay tila wala ang presensya niya roon. Nalaman ng KAMI sa Rappler na kaya hindi siya nakadalo ay dahil sa diumanong “multiple organ infirmities” na kaniyang binanggit sa kanyang plea.

Dagdag pa ng kampo ni Marcos na mahigpit na ipinagbabawal ng doctor na ma-stress ang Ilocos Norte 2nd District Representative. Nakalagay din daw sa plea na, “the accused was suffering from multiple organ infirmities and was under strict orders from her physician to refrain from stressful conditions that will put her at risk for heart and brain attack and recurrence of seizure.”

“The failure to appear was neither intentional nor meant to disrespect this Honorable Court but was solely because she was indisposed,” dagdag pa nito.

Naglagay din daw sila ng medical certificate mula sa doctor ng St. Luke’s Medical Center na si Joven Cuanang. Narito ang ilan sa mga sakit na nakalagay diumano sa certificate:

  • Diabetes Mellitus Type 2
  • Hypertension and Atherosclerotic Cardio Vascular Disease
  • Status Mini Strokes
  • Moderately Severe Sensorineural Hearing Loss
  • Chronic Recurrent Urinary Tract Infection
  • Chronic Recurrent Gastritis
  • Multiple Colon Polyps
  • Recurrent Respiratory Tract Infection

Narito naman ang ilang reaksyon ng mga netizens sa issue na ito base sa Facebook page ng Rappler:

“Huwag na ikulong, matanda na eh.Ilibing na lng ng buhay... sa 'Libingan ng mga Bayani at Mag asawang Magnanakaw' (LBMM )”
“7 ailments? Greed, kleptomaniac, no conscious, no morals, no compassion, traitor, and big face!”
“Pero kaya mo pang tumakbo sa 2019, di ba nakaka-stress ang public service o stress reliever mo ang pagnanakaw sa kaban ng bayan?”
“Expected na yan, all i want to see is her mugshots and criminal case number.”
“Ay diyos miyo!! why do people think to put her behind bars, when we can burry her alive, for good!”
“These doctors who connives with their patients to show they are medically unfit and very sick should be stripped of their licenses: sino ba ang doctor ni Enrile, ni pgma and now her..”
“7 Counts of Graft as good as 7 decades sa kulungan, tinapatan ng 7 ailments kuno ni imelda Marcos. Coincidence? Jackpot di ba?”
“Ohhh, nobody advised her to avoid graft to avoid prison to avoid stress?”
“The Chronicles of Neck Brace 2. Starring Imelda Marcos. Coming Soon”
“Tatakbo kapa sa 2019? Kaya paba?Hindi ba mas nakakastress Ang tatakbo kapa tapos may mabigat Kang kasong karga? Sabagay Stress reliever mo nga daw Kasi Ang pagnanakaw sa bayan”
“Suddenly shes too old and shall avoid stress because shes getting arrested BUT its OK for her to run for Office even shes too old and and shall avoid stress...don’t understand the logic of this excuse.”
“Imelda Marcos is praying to the Court that she will be granted bail for her temporary liberty while her cases are on appeal, on the ground that, according to her, she is suffering from multiple organ infirmities??!.. . But she is still running for governor in Ilocos, how can she claim she is suffering from these illness? Tsk! Tsk! Tsk!.. . The irony! Kung hindi lang ito si Imelda Marcos, baka nasa loob na ito ng kulungan ngayon!! Double standard of justice under Duterte's government??!”

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa balita ng ABS-CBN News, dumating ngayon sa Sandiganbayan si Marcos kasama ang kanyang apo na si Borgy Manotoc para sa hearing.

Samantala, nauna na ngang naibalita ng KAMI na nakita pang pumunta sa isang party si Marcos ilang oras matapos ilabas ng Sandiganbayan ang hatol sa kanya. Kasama niya pa sa party ang Presidential daughter at Davao City Mayor na si Sara Duterte.

Dagdag pa sa balitang ito na tila hindi nagpadala ng advance team ang PNP upang arestuhin si Marcos. Giit ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde, cinoconsider din daw nila ang edad ni Marcos na kinuwestyon naman ng mga netizens.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Stray Kids - I Am You: KPop Zero Budget Parody | Zero budget parody for another K-Pop hit of this year, I Am You by Stray Kids. Add some smoke, a sophisticated look, simple decorations and here we go - the music video is ready! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Kurt Yap avatar

Kurt Yap (Editor)