Isang babaeng pulis ang diumano ginahasa ng kanyang kapwa pulis sa Palawan

Isang babaeng pulis ang diumano ginahasa ng kanyang kapwa pulis sa Palawan

- Isang babaeng police trainee ang naghain ng isang reklamo sa panggagahasa

- Ang suspek ay isa ring pulis at assistant instructor sa training center

- Pinangalanang PO3 Jernie Ramirez ang suspek sa insidente

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagsampa ng reklamo ang isang babaeng police trainee na diumano ginahasa ng kanyang assistant instructor sa Joint Maritime Law Enforcement Training Center sa Sitio Magarwak, Brgy. Sta. Lourdes, Puerto Princesa, Palawan.

Nalaman ng KAMI sa report ng CNN Philippines na alas-dos ng madaling araw aypinilat daw ng suspek na si PO3 Jernie Ramirez ang biktima na samahan siyang mag-ikot sa training center niya.

Kinorner daw nito ang biktima sa banyo at diumano hinalikan at pinagsamantalahan. Dinala rin daw ang biktima sa second floor kung saan diumano nangyari ang panggagahasa.

Isang babaeng pulis ang diumano ginahasa ng kanyang kapwa pulis sa Palawan
Photo from CNN Philippines
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Inaresto raw ang suspek ng kanyang mga kasamahang assistant instructors at dinala sa pulisya kung saan hinainan ito ng reklamo sa panggagahasa.

Nito mga nakaraang linggo nga ya tila ilang pulis ang mga nasangkot sa mga isyu ng panggagagahasa. Sa dating ulat ng KAMI, tila isang 15 anyos na dalaga ang diumano ginahasa rin daw ng isang pulis.

Naiulat din ng KAMI na dalawang pulis ang inaresto sa isang kaso na naman ng panggagahasa.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Kurt Yap avatar

Kurt Yap (Editor)