Baby, napugutan ng ulo habang ipinapanganak; Doktor na nagsagawa, cleared
-Kagimbal-gimbal ang inabot ng sanggol habang si'ya'y ipinapanganak pa lamang
-Napugutan ng ulo ang baby at pwersahan daw itong ginawa ayon sa ina
-Ngunit ang doktora na siyang salarin, nakabalik pa sa trabaho
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Isang masakit na pangyayari ang naibalita tungkol sa isang sanggol na hindi pa man lumalabasa ng tuluyan sa mundo ay nawalan na ng buhay.
Karumal-dumal ang naganap sa sanggol na ito na mula sa Scotland. Ayon sa kwento ng ina nito, 7 buwan pa lamang ang kanyang tiyan ng malaman nila na suhi o nasa breech position ang bata sa kanyang tiyan.
Ngunit diumano'y pinilit siyang paanakin sa normal procedure.
Pinaire daw siya ni Dr Vilvanathan Laxman, 41-year-old consultant gynaecologist habang hinihila nito mula sa mga legs ang sanggol.
Bukod rito, nauna pang lumabas ang umbilical cord nito na delikado rin para sa bata.
Dahil kulang pa sa buwan at marupok pa ang katawan ng mga sanggol, nahiwalay ang ulo nito mula sa katawan!
Bukod rito, pwersahan din daw itong ginawa at hiniwa ang cervix ng ina ng bata ng walang abiso at walang pampamanhid.
Makailang beses daw nagmakaawa ang babae na itigil na ang ginagawa ngunit hindi daw siya pinakinggan ng mga ito.
Nang ma-realise ang nagawa, 2 doktor daw ang gumawa c-section upang makuha ang ulo ng sanggol sa tiyan ng nanay nito para ikabit sa katawan.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Ayon pa sa report, nasa pre-labor pa lamang ang babae, kakaputok lamang ng panubigan nito at nasa 3 cm pa lamang ng isagawa ang pagpapaanak dito.
Ang mas nakakapangilabot dito ay, buhay pa ang bata nang mangyari ang insidente.
Nasuspinde si Laxman pagkatapos nito ngunit kamakailan lang ay napabalitang pinayagan na itong bumalik sa trabaho.
Depensa ni Laxman, hindi niya ipinayo na i-deliver ang baby sa c-section dahil naniniwala siya na mas manganib daw ito para sa baby.
Hindi naman sumang-ayon dito ang Medical Practitioners Tribunal Service at sinabing ito raw ay kapabayaan gayunman ay hindi pa rin ito itinuring na misconduct.
“The tribunal was satisfied that throughout the attempted delivery of baby B, Dr. Vilvanathan Laxman believed that she was acting in both patient A’s and baby B’s best interests, and that she genuinely believed that proceeding with a vagina delivery was the optimum course to take in the circumstances which existed at the time.”
Naniniwala ang tribunal na hindi naghangad ng panganib si Laxman sa kahit sinong pasyente kung kaya nabigyan ito ng clearance para makabalik muli sa trabaho.
Source: The Asianparent
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!
Source: KAMI.com.gh