15 PBB housemates na sumikat ng husto pagkatapos makilala sa show

15 PBB housemates na sumikat ng husto pagkatapos makilala sa show

Sa pagbubukas ng sikat na Bahay ni Kuya ay ating muling balikan ang mga housemates na unang nakilala sa show at sumikat ng husto pagkatapos.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

November 10, 2018, Sabado nang muling magbukas ang sikat na Bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother at sa pagbubukas nito ulit ay siguradong may bagong mga pangalan na uusbong at sisikat na naman gaya ng mga naunang mga housemates.

Kaya naman, muling babalikan ng KAMI ang 15 sa mga personalidad ngayon sa showbiz na kilalang kilala na at sumikat ng husto, na unang nakilala sa PBB.

1. Kim Chiu

Ang isa sa mga magagaling na aktres ng ABS-CBN na si Kim Chiu ay unang nakilala bilang housemate sa Bahay ni Kuya noong 2006 sa Pinoy Big Brother: Teen Edition, at siya ang itinanghal na Big Winner.

Simula noon, umarangkada na ang karera ni Kim, mapa movies, TV shows, endorsements at mga shows here and abroad, na gawa na niya.

Ngayon, meron na siyang 5.1 million followers sa Instagram.

Siya ang most followed celebrity sa mga dating PBB housemates.

2. Gerald Anderson

Hindi makakalimutan ang isa sa pinakasikat na loveteam ng bansa ang Kimerald.

Naging maingay ang kanilang loveteam na talaga namang tinangkilik ng marami, at ang better half ng naturang loveteam ay si Gerald Anderson.

Ang huli ay sumikat rin ng husto at nagkaroon ng mga award-winning roles at tinaguriang isa sa pinakamagaling na aktor ng Kapamilya bukod pa sa good looks niya.

3. Barbie Imperial

Sa pagbubukas ng Bahay ni Kuya sa PBB: Otso, muling nagbalik tanaw si Barbie Imperial sa kanyang unang TV appearance bilang isa sa mga housemates.

Ani pa niya sa caption, siya ay nakilala bilang "Ang Doll Along The Riles ng Albay" sa Pinoy Big Brother: 737, noong 2015.

At kamakailan lang, nag-lead role siya sa isa sa most-watched TV series ng ABS-CBN ang Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi, katambal si JM De Guzman.

Ngayon, meron ng 2.3 million followers si Barbie sa kanyang IG.

4. James Reid

Unang naispatan rin ang better half ng isa sa pinakasikat na loveteam ngayon sa bansa ang Jadine na si James Reid sa Pinoy Big Brother: Teen Clash 2010, noong 2010, at itinanghal na Big Winner.

Ngayon, bukod sa pagiging actor, isa ring singer, performer, producer, at endorser ang gwapong binata, ang the one and only ni Nadine Lustre.

Sa ngayon, 4.6 million followers na si James sa kanyang Instagram.

5. Loisa Andalio

2014 naman pumasok si Loisa Andalio sa sikat na Bahay ni Kuya, kung saan una siyang nakilala ng kanyang mga followers at fans.

At sa kanyang pagbisita muli sa sikat na bahay sa PBB reunion, muling inalala ni Loisa ang kanyang pagiging housemat bilang "Ang Talented Darling Ng Paranaque" sa Pinoy Big Brother: All In.

Meron ng 3.6 million followers si Loisa sa kanyang Instagram.

6. Maris Racal

Ang 2nd Big Placer ng "Pinoy Big Brother: All In" noong 2014 na si Maris Racal ay sa na rin sa mga kilalang Star Magic Artists ng Kapamilya network.

Nakilala bilang "Singing Sunshine ng Davao" ay ngayon meron ng 2.8 million followers.

7. MayMay Entrata

Ang Big Winner ng Pinoy Big Brother: Lucky 7 ng 2016 na si MayMay Entrata ay isa na rin sa pinakasikat na talent ng ABS-CBN.

Bukod pa sa mga pelikula, TV shows, at endorsements, marami na rin siyang mga shows sa loob at labas ng bansa at agaw-pansin rin ang kanyang angking tangkad at ganda sa mga magazine covers at sa fashion world.

8. Edward Barber

Ang better half ng isa sa pinakasikat na loveteams ng bansa ang MayWard na si Edward Barber ay una ring nakita at nakilala sa Pinoy Big Brother noong 2016 at kinilala bilang ang "Cheerful Charmer of Germany" na inuwi ang 4th Big Placer na panalo sa naturang show.

9. Joshua Garcia

Ang Ngayon at Kailanman actor at better half ng Joshlia na si Joshua Garcia ay dati ring housemate sa Bahay ni Kuya, kung saan una siyang nasilayan at nakilala ng kanyang mga tagasubaysubay.

Ang "Tatay's Boy ng Batangas" ng Pinoy Big Brother: All In noong 2014 ay isa na sa pinakapaboritong artista sa showbiz.

10. Beauty Gonzalez

Noong 2008 naman sumalang ang Kadenang Ginto star na si Beauty Gonzalez at nanalo bilang ang 14th Big Placer ng Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus.

11. Melai Cantiveros

Ang Big Winner ng Pinoy Big Brother: Double Up na si Melai Cantiveros ay isa na ngayon sa kilalang host bukod sa pagiging actress.

Isa siya sa tatlong hosts ng Magandang Buhay kasama nina momshie Karla Estrada at Jolina Magdangal, at kamakailan lang, sa Star Hunt kasama sina Kim Chiu, Alex Gonzaga, at Robi Domingo.

At ngayon, isa lang naman siya sa mga hosts ng Pinoy Big Brother: Otso.

12. Robi Domingo

Bago pa man maging aktor at endorser, at isa sa mga most-sought male hosts ng ABS-CBN at iba pang mga engagements, una munang nakilala at nakita si Robi Domingo bilang isa sa mga housemates ng Pinoy Big Brother Teen Edition Plus.

Siya ang itinanghal na first runner-up ng show noong 2008.

13. Zanjoe Marudo

Bago pa man makilala bilang isa sa mga magagaling na aktor ng bansa, una munang nakilala at nasilayan si Zanjoe Marudo sa Pinoy Big Brother: Celebrity Edition noong 2006 at inuwi ang 4th Big Placer.

Naging modelo umano si Zanjoe pero sa PBB raw siya unang nakita sa TV at nakilala.

14. Yen Santos

Super kilala siya ngayon bilang ang magandang asawa ni Ace na si Jacky sa Halik.

Pero bago man nito, si Yen ay isa sa mga housemates ng Bahay ni Kuya noong 2010 sa Pinoy Big Brother: Teen Clash 2010.

Dito siya unang nakita sa TV at nakilala.

15. Sam Milby

Bago pa man nasilayan ang gwapong si Ace ng Halik, una munang nakita at nakilala si Sam Milby sa Pinoy Big Brother noong 2005.

At naging parte sa isa sa pinakatinangkilik at kinikiligan na loveteam noong 2006 hanggang 2009, ang SamTin.

Sa katunayan, ang tambalan nina Toni Gonzaga ay umani sa kanila ng box office titles bilang Prince at Princess ng Philippine Movies at iba pang mga awards.

Bukod sa kanila, marami pang mga kilalang artista ngayon na unang nakita at nakilala sa sikat na Bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother.

At nagsama-sama nga silang muli sa reunion ng PBB bago pa man nag-umpisa ang PBB:Otso.

Kamakailan lang ay ibinahagi nami ang unang apat na mga housemates sa bagong bihis na Bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother: Otso.

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Source: Kami.com.ph

Related news
Neri Miranda's newest business venture reflects her creativity

Neri Miranda's newest business venture reflects her creativity

Neri Miranda shows off her wonderful new business- Neri's Not So Secret Garden
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel