66-anyos na street vendor, hinangaan sa pagtuturo ng libre sa mga bata
- Labis na hinangaan si Guillermo de Guzman, isang street vendor na nagagawa pang mag-tutor ng mga batang lumalapit sa kanyang pwesto
- Dating suma-sideline bilang tutor ang 66-taong-gulang sapaaralan sa may Bocaue, Bulacan
- Kinagigiliwan siya ng mga kabataan dahil sa kanilang natutunan sa kanya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Binahagi ng isang netizen ang kahanga-hanga ginagawa ng isang street vendor sa Quezon City na nakilalang si Guillermo de Guzman.
Ayon sa ulat ng ABS-CBN news. isang bayan patroller ang nakapansin ng kumpulan sa kanilang lugar at nagtanong siya kung anong meron doon.
Laking gulat niya na ang 66-anyos na street vendor ay libreng nagtuturo pala sa mga kabataan nakapalibot sa kanyang pwesto.
"Nagtanong ako sa bata kung anong meron, may binebenta ba? Tapos sinabi ng bata na tinuturuan sila. Libre. So may kurot sa puso ko kasi dati ginagawa ko rin 'yun. So nakakatuwang isipin na may mga tao palang nabubuhay sa ganu'ng adbokasiya rin," ayon kay John Faigmani, ang siyang nakakita sa ginagawa ng street vendor.
Taga- Bulacan si mang Guillermo at naglalako ng iba't-ibang accessories sa bangketa sa EDSA corner Mapagmahal street, Barangay Pinyahan, Quezon City.
Kwento ni Mang Guillermo, dati siyang suma-sideline bilang tutor malapit sa elementary school ng Bocaue, Bulacan kung saan siya ay dating janitor at messenger.
Nangungulit daw ang mga bata na bumibili sa kanya kaya naisipan niyang gumawa ng exam at kung sino ang may pinakamataas na makukuha sa linggong iyon bibigyan niya ng libreng earphones. Kaya naman nagkukumpulan ang mga bata roon dahil sa challenge ng matanda.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Samantala, malaking tulong daw ang nagagawa ni mang Guillermo sa mga kabataan sa lugar kaya labis silang nagpapasalamat dito.
"Nai-inspire po ako na mas lalong magpursige sa pag-aaral," ani Liam Mallanao, isa sa mga bata.
Mapa-English daw kasi o Algebra pa ay kayang ituro ng street vendor.
Napakasarap daw sa pakiramdam ni mang Guillermo na sa kanyang munting paraan, nakatutulong siya sa mga batang nakakasalamuha niya.
Kaya naman payo niya sa mga ito: "pakiusap lang magsikap kayo mag-aral sapagkat 'yan ang tanging kayamanan na di mananakaw. 'Yan ang tanging kayamanan na ipapamana sa inyo ng inyong mga magulang."
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.
Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel
Source: KAMI.com.gh