Reklamo ng Pinay, gusto raw syang gamitin ulit ng ex-chatmate na pinsan pala nya

Reklamo ng Pinay, gusto raw syang gamitin ulit ng ex-chatmate na pinsan pala nya

-Isa na namang kaso ng krimen na nagsimula sa social media ang simula ng pagre-reklamo ng isang dalaga sa kanyang umano'y pinsan

-Ayon sa biktimang 17-anyos, pinagbabantaan daw siya ng pinsan na sisirain sa social media kapag hindi siya pumayag na makipagtalik dito

-Pinabulaanan naman ito ng suspek na 18-anyos at sinabing girlfriend niya ang dalaga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagsimula umano sa social media ang pagkakakilala ng dalagang nagre-reklamo laban sa kanya umanong pinsan.

Ayon sa 17-anyos na dalaga, pinagbabantaan siyang sisirain ng suspek sa social media rin kapag hindi siya pumayag na makipagtalik dito.

Ayon sa report, naging chatmate at textmate ang dalawa matapos na magkakilala online. Hanggang sa magkita ang mga ito at may mangyari.

Hindi raw alam ng mga ito na mag-pinsan pala sila!

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit pagkalipas ng ilang linggo, nais na naman umano ng suspek na may mangyari sa kanila ng biktima ngunit tumanggi na ang dalaga.

Doon na umano nagsimula ang pagbabanta ng 18-anyos na suspek. Giit pa nito, nobya niya ang dalagang nagre-reklamo laban sa kanya.

Sa tulong ng mga pulis, nadakip na ang suspek.

Nagbabala ang mga awtoridad, huwag magtiwala sa mga nakikilala lalo pa at nakilala lamang sa social media.

Maraming natutulungan ang social media ngayon, katulad ng mga OFW na naho-homesick, online business at maging mga homebased employee.

Maraming krimen na rin ang naresolba sa tulong nito ngunit marami ring krimen ang nagsimula dahil rin dito.

Dapat na mas maging maingat ang lahat at iwasan ang paglalagay ng mahahalagang impormasyon tungkol sa sarili o pamilya.

Para sa mga kababaihan, huwag basta-basta magtitiwala sa mga nakikilala online lalo pa kung nagpapakita ito ng interes na may nais mangyari.

Iwasan ring magpost ng mga litratong maaaring magamit laban sa kanila.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

In this cartoon by HumanMeter, we are shown a story of a woman who has an ongoing conflict with her mother-in-law! The woman’s plan to get rid of her did not go as planned as she was able to learn an important lesson about conflicts. Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone