Mag-inang minartilyo hanggang mamatay, utos daw ng Padre de pamilya

Mag-inang minartilyo hanggang mamatay, utos daw ng Padre de pamilya

-Nakuhanan ng CCTV ang pakikipagkita umano ng mga suspek sa pagpatay sa mag-ina sa itinuturong mastermind na walang iba kundi ang Padre de pamilya

-Positibong kinilala ng dalawang suspek si Ricardo Sta. Ana na siya umanong nag-utos at nagplano ng pagpatay sa kanyang mag-ina

-Patuloy na nananawagan ang mga kaanak ng mga biktima kay Sta. Ana na sumuko na

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Taong 2016 nang maganap ang pagpatay sa mag-inang Pearl at Denzel Sta. Ana sa Laguna. Ang mga biktima, minartilyo umano hanggang sa mamatay. Ginahasa pa umano ang ginang ng isa sa mga suspek.

Dahil sa kunsensya, naunang sumuko si Ramoncito Gallo at kasunod ay ang pagkakadakip kay Brian Avestado na nagtago sa Cavite.

Positibong kinilala ng 2 si Ricardo Sta. Ana bilang utak ng krimen.

Ayon sa 2, nagpanggap sila bilang repairman ng Globe kaya sila pinapasok ng biktima na plinano daw talaga ni Sta Ana.

Sa pagiimbestiga rin ng NBI, posibleng hindi pagnanakaw ang motibo sa krimen dahil na rin sa mga nakita sa loob ng bahay ng mga ito.

Itinanggi naman ito ni Sta. Ana at sinabing scripted lamang ang lahat at wala siyang pagkukuhanan ng malaking halaga para ipambayad sa mga suspek.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nito lamang Nobyembre 2018, lumabasa ang isang kuha ng CCTV ng isang fastfood na nagpapakita ng pakikipagkita ni Sta. Ana sa 2 suspek.

Inamin rin ng mga suspek na nakipagkita nga sila kay Sta. Ana sa Muntinlupa mula sa Laguna upang ibigay ang cellphone na siyang may kuha ng video ng pagpatay sa mag-ina kay Sta. Ana.

Dito na rin umano nito ibinigay ang kabuuang bayad para sa krimen na nagkakahalaga ng P60,000.

Sinampahan na ng panibagong reklamo si Sta. Ana na double parricide bilang martermind sa pagpatay sa kanyang mag-ina.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

In this cartoon by HumanMeter, we are shown a story of a woman who has an ongoing conflict with her mother-in-law! The woman’s plan to get rid of her did not go as planned as she was able to learn an important lesson about conflicts. Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup

Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup

Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel