Atom Araullo, nanalong Grand Prize sa AIB London para sa Philippine Seas
- Isang international award nga ang natanggap ng Kapuso journalist na si Atom Araullo para sa kanyang special documentary na Philippine Seas
- Wagi nga sa Association of International Broadcasting (AIB) sa London noong Huwebes, November 8, 2018, ang nasabing docu show
- Hindi lang basta basta nanalo dahil inuwi nito ang Grand Prize ng naturang prestihiyosong award-giving body para sa broadcasting
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Ayon pa sa balita na napag-alaman ng KAMI, inuwi nga ni Atom Araullo ang Grand Prize para sa kanyang docu na Philippine Seas na pinalabas noong November 5, 2017 sa GMA-7.
Ang special documentary na hinost ni Atom na Philippine Seas ay nanalo ng Grand prize sa kategoriya ng Science, Technology, Nature ng Association of International Broadcasting o AIB sa London noong Huwebes, November 8, 2018, ayon pa sa balita na nakuha namin sa GMA News Online.
Saad pa sa tweet ng AIB Media Awards:
"In our Science, Technology and Nature category, the winners are GMA Network (@GMAnetwork) for Philippine Seas, congratulations! #theAIBs #PhilippineSeas"
Ang naturang show ay inupload sa YouTube at mayroon ng halos 2 million views simula nang ma-upload ito noong November 17, 2017.
Sa nasabing video ay may netizen na nagkomento ng:
"kudos to Atom and GMA, World Class documentary,I'm sure this will win an International/local award. I'm so deeply humbled on how you guys gave us the hardship and heartwarming story of every Filipino fisherman,My hearts goes into them and like what Atom mentioned,When we buy fish/es in our local market,Let us think about them and send them prayers. I hope that our government helps in providing more and faster processing of budget for the pinoys in indonesia,The dugong encounter really made my heart so happy. Thanks again Atom and GMA Team."
At tila nagdilang anghel ang naturang netizen dahil waging wagi nga ang naturang world class documentary ni Atom.
Bumuhos naman ang pagbati para kay Atom at sa GMA sa pagpanalo, na naispatan namin sa Fashion Pulis, kung saan una naming napag-alaman ang magandang balitang ito.
"Alam talaga ni Atom what's best for him. Magaling ang GMA sa docu department nila, in all fairness to them."
"True! I'm a Kapamilya but, yes, we have to admit, GMA really shines in their news department, lalo na sa documentaries. CONGRATZ!"
"Wow! It really pays off to make a right choice!"
"Maganda ang docu na 'to. Congratulations Atom!"
Isa pang docu ng GMA Public Affairs ang nakatanggap ng parangal galing sa AIB, at ito ay ang Batang Maestro, na pinakita sa Reel Time.
"Highly commended" ang naturang docu sa Domestic Affairs category dahil sa pagka "visually stunning" nito.
Bumalik si Atom Araullo sa GMA-7 para maka focus more sa mga documentaries noong September 21, 2017, at hindi nga naman siya nabigo dahil hard work pays off naman talaga.
Congratulations to Atom, and of course, to GMA News!
POPULAR: Read more news about Atom Araullo here
On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.
Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Source: KAMI.com.gh