7 Showbiz pairings at love teams na malaki umano ang agwat ng edad

7 Showbiz pairings at love teams na malaki umano ang agwat ng edad

Sa rami ng teleserye at pelikula sa nakalipas na taon, marami na rin tayong nakita na mga showbiz pairings at love teams sa mga naturang shows at films.

At ang ilan raw sa mga showbiz pairings at love teams na ito ay hindi mo aakalain na malaki pala ang agwat ng kanilang edad umano.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngayon, sisilipin ng KAMI ang 7 na mga pares na mga aktor at aktres sa pinilakang tabing at sa mga TV series o shows sa Kapamilya at Kapuso.

1. Coco Martin and Julia Montes

Nagkasama ang Kapamilya stars na sina Julia Montes at Coco Martin sa 2012 soap opera na pinamagatang 'Walang Hanggan.'

Ani pa ng GMA News Online, kung saan una naming naispatan ang listahang ito, sa panahon ng teleserye na iyon, 16 years old pa umano si Julia na naging leading lady ni Coco, at ang huli ay 30 years old na raw noong time na iyon.

2. Vic Sotto and Gwen Zamora

Naging leading lady ni Eat Bulaga Bossing Vic Sotto si Gwen Zamora sa Enteng Kabisote sa edad na 21 years old umano habang ang batikang komedyante ay 57 years old na noong panahon na iyon.

3. Marian Rivera and Alden Richards

Nagkatambal din umano sina Pambansang Bae Alden Richards at Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa teleseryeng Carmela.

22 years old lang daw si Alden noon, at 29 naman si Marian.

4. Maricel Soriano at Dingdong Dantes

Nagkasama naman sina Diamond Star Maricel Soriano at Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa Ang Dalawang Mrs. Real.

At ani pa ng news source, 15 years daw ang gap nina Dingdong at Maricel.

5. Jennylyn Mercado and Gil Cuerva

29 years old na daw si Jennylyn nang makatambal si Gil na 21 pa noong panahon na iyon sa kanilang My Love From the Star teleserye.

6. Jodi Sta. Maria and Richard Yap

Nang gumawa sila ng pelikula together noong 2016, 34 years old daw noong time na iyon si Jodi.

Samatanlang 48 years old naman umano si Richard Yap.

7. Sunshine Cruz and Gabby Concepcion

Isa sa pinakasikat at tinangkilik na teleserye ng GMA-7, ang Ika-6 na utos, kung saan pinares sina Gabby Concepcion at Sunshine Dizon.

52 years old na ang gwapong aktor na si Gabby at 33 years old naman ang primyadong aktres na si Sunshine.

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Source: Kami.com.ph

Related news
Ready to mingle kaya? Karla Estrada, inamin sa mga anak na single siya ngayon

Ready to mingle kaya? Karla Estrada, inamin sa mga anak na single siya ngayon

Ready to mingle kaya? Karla Estrada, inamin sa mga anak na single siya ngayon
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel