Isang pulis, nahuling tumitira ng ilegal na droga sa isang Halloween party

Isang pulis, nahuling tumitira ng ilegal na droga sa isang Halloween party

- Isang pulis ang nahulihang gumagamit ng ilegal na droga sa isang club

- Ayon kay NCRPO Dir. Gen. Eleazar, naka-full alert status pa man din daw ang pulisya

- Galit na galit si Eleazar nang pagsabihan nito ang pulis na nahuli

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tila hindi nakalusot kay National Capital Region Police Office (NCRPO) director general Guillermo Eleazar ang isang pulis na diumano’y nahuling gumagamit ng ilegal na droga sa isang Halloween party sa club. Nalaman ng KAMI sa ABS-CBN News na ang pulis ay pinangalanang PO1 Redentor Bautista.

Gigil na gigil namang pinagalitan ni Eleazar si Bautista matapos malaman ang insidente. Giit ni Eleazar, nasa full alert status daw ang pulisya at nagawa pang pumarty ni Bautista.

“Full alert status, lahat nagpe-prepare. Ikaw anong ginagawa mo? Nasa club, nagco-cocaine? Anong klaseng pulis ka, ha?!” pasigaw na sabi ni Eleazar. Sagot naman ni Bautista ay naka-absent daw siya.

Sinabihan din ni Eleazar si Bautista na walang puwang sa pulisya ang mga pulis na tulad niya at maiging mag-resign na lang ito.

“Wala kang karapatan na mag-stay bilang pulis, ha! Mag-resign ka na!” galit na sabi ni Eleazar.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, naiulat nga ng KAMI noon na tila nasangkot din sa kontrobersiya ang isang pulis na diumano’y ginahasa ang isang 15-anyos na dalaga. Galit na galit din si Eleazar sa pulis na itong kinilala bilang si PO1 Edwardo Valencia.

Scary Nun Prank Part 2 is already on HumanMeter! Many of you had asked us to shoot the nun prank part 2– and we did it! In this episode, she is going to roam the streets of the Philippines and scare innocent people to death – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Lea Salonga, naghandog ng awitin sa state dinner para kay Chinese President Xi Jinping

Lea Salonga, naghandog ng awitin sa state dinner para kay Chinese President Xi Jinping

Lea Salonga, naghandog ng awitin sa state dinner para kay Chinese President Xi Jinping
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel